Chapter 10 : White Christmas

56.3K 604 111
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

" Wag ka nang magbuhat ako na lang." sabi ni Ambrose. Kinuha nito ang laundry basket na bitbit ko.

Simula nung confirmed na buntis ako naging OA na ito sa pag aasikaso saken. Ayaw niya akong napapagod. Gusto niya nakaupo lang ako lagi. Lagi rin niya akong sinusundo sa classroom pag lunch. At sabay kami pag uwi. Hangga't maari ayaw niya na akong nagdadrive.

Dito na rin ako nakatira sa condo niya. Nagsabi na rin ako kay Nanay Lucy tungkol sa kalagayan ko. Naiyak ito nung malaman niya. Gusto niya si Ambrose para saken pero napakabata ko pa daw para magbuntis. Baka daw mahirapan kaming dalawa pag may bata na.

 " Wag ka na kayang pumasok. Baka mastress ka pa sa school. Tutal one sem na lang naman ang natitira." nag aalalang sabi nito.

Yan sana ang dahilan kung bakit nag iingat ako at ayaw kong mabuntis muna. Graduating pa naman ako at ilang buwan na lang naman ang natitira. Everytime na lang na nireremind ko siya tungkol dito, na hindi ako "Safe" tinatawanan niya lang ako.

" Ok naman daw na maglakad lakad ako sabi ng doctor. Hindi rin maganda ang lagi akong nakaupo. Tsaka maiinip ako dito sa bahay." sagot ko.

Isa pa hindi naman ako mahirap maglihi. Hindi naman ako umaga nahihilo, sa gabi.  Nasa bahay na ako ng time na yun sa walang problema. Baligtad nga eh. Ewan ko ba. Para ano pa't tinawag ito na morning sickness kung hapon naman ito umaatake.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Ambrose na makita niya ang result ng pregnancy test. Kinarga nya ako inikot sa sala at nakalimutan niya na buntis ako. Nagacheck up agad ako kasama siya kinabukasan. Mas natandaan pa niya yung mga bilin ng doctor saken. Lahat ng mga bawal alam niya.

May isang bagay na nagpapangiti saken tuwing naaalala ko. Ang tanungin ni Ambrose kung safe ba magsex pag buntis. Hindi ko alam kung saan ko ihaharap ang mukha ko sa sobrang hiya nung time na yun. Ok na eh, sinagot na isya nung doctor na hidni naman daw bawal as long as wala akong spotting. At dapat extra careful pag gagawin ito.

Nawindang pa ako sa sumunod na tanong niya. Kung hanggang kelan daw ba pwedeng gawin, ibig niya sigurong sabihin, di ba 9 months ang pagbubuntis, so hanggang anong buwan ito hindi na pwedeng gawin. At naintindihan naman siya ng doctor. Nakakahiya siya talaga. PInagkukurot ko talaga siya pag labas namin sa clinic. Natawa lang siya. Maigi na daw yung sigurado. Napakapilyo talaga.

Naalala ko pa noon, nung bago pa lang kaming magboyfriend, siya pang nag nagreremind saken na inumin ko ang pills ko. Kasi pareho kaming takot na baka mabuntis ako. Pero nung magkabalakian kami wala na siyang pakialam pa. Ayaw na rin niya akong magtake ng pills.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Excited na ako. Sana lalaki siya. " masayang sabi nito.

"Kahit ano pa siya, ok lang. Babae man o lalaki." sabi ko.

" Oo naman. Pero mas ok pag lalaki siya." sabi niya sabay hawak sa tyan ko.

Parang timang. Kahit ano pero sana lalaki. Lagi niyang hinahawakan ang tyan ko kahit na wala pang umbok ito. Pag may pupuntahan siya mauuna muna niyang hahalikan ang tyan ko at magpapaalam sa anak niya bago sa akin. Nakakatuwa talaga siya. Minsan kinakausap niya yung tyan ko.

Spoiled na spoiled ako kay Ambrose. Wala naman akong food in particular na gusto. Basta gusto ko lahat ng maaasim. Kuhg meron man siguro akong gustong gustong kainin, walang iba kundi...balut. Siguro apat ang nakakain ko sa isang upuan lang.

Tuwing kumakain ako lumalayo si Ambrose. Parang nandidiri ito. Hindi kasi  siya kumakain nito. Nakakadiri daw. At isa pa, hindi niya kasi masakyan ang idea ng balut. Kawawa daw yung mag sisiw. Ba't di na lang daw antayin na mag hatch ang mga mga itlog. Sabi ko naman ganun talaga.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon