Chapter 6: The Transferee

59.8K 597 79
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

Himala, wala yatang asungot na nakaabang sa gate. Talagang pinanindigan nito ang hindi pagpapakita saken ng ilang araw. Huli ko siyang nakita nung bumalik ako galing Batangas. After nun, hindi na siya nagpakita ulit. Ni text o tawag wala. Nakakapanibago.

"Nanay Lucy, aalis na po ako. Pakisara na lang po ng gate." bitbit ko ang bag ko at ilang books papuntang garahe.

Nagtatakang sumunod sa akin.

" Oh, hindi ka ba ihahatid ni Ambrose?" tanong nito.

Pambihira talaga tong si Nanay Lucy. Ipagdiinan pa na hindi ako ihahatid ni Ambrose. Siguro hindi na rin siya nakatiis na hindi magtanong. Alam ko napapansin din niya na ilang araw ng hindi nagpupunta si Ambrose sa bahay.

"Hindi po eh." malungkot kong sagot.

Ewan ko ba. Parang nagbago yung mood ko. Kanina lang pakanta kanta pa ako habang naliligo. Iniisip ko kasi na susunduin niya ako ngayon. Nawalan tuloy ako ng gana. Pero hindi dapat. Ito kasi ang unang araw ng second sem. Kung papalaring mapasama sa list ng graduates, ito na ang huling sem ko pag nagkataon. So dapat good vibes. Humalik na ako kay Nanay Lucy at nagpaalam.

Naging palaisipan saken ang hindi pagdalaw sa bahay ni Ambrose ng ilang araw. Nagalit ba siya kasi nakita niya na hinatid ako ni Tyler nung galing kaming Batangas? Nalaman niya kaya na magkasama kami? O nagsawa na siya sa panunuyo saken? Hindi kaya.....biglang nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Speaking if the devil. Si Ambrose.

"Hello.."

"Asan ka na?" bungad nito.

Ayos ah! Matapos ang ilang araw na hindi nagpakita, tapos ang ibubungad saken "asan ka na?" Wala man lang kumusta, o kaya kahit hello na lang eh.

"Bakit ba?" ang aga aga pinapainit na naman nito ang ulo ko.

" Why don't you answer my question? Don't you know that it's rude to answer a question with another question? " parang naiinis na sabi nito.

Loko to ah! Siya pa 'tong may ganang maiinis.

"Ewan ko sa'yo! Tigilan mo ako ang aga aga eh!" bwisit na'to.

Tut Tut....

Babaan ko nga. Bahala ka sa buhay mo. May answer a question with another question ka pang nalalaman.

Nag ring ulit. Hmp! Cancel.

Ring ulit. Cancel na naman.

Nag ring ulit. Haayyy............

" Ano bang kailangan mo?!" ako naman ang walang "hello" ngayon.

" Sorry..." bungad nito "....gusto ko lang namang malaman kung malapit ka na sa school, o kaya kung nasa school ka na ba." malumanay na sabi nito.

Pwede naman palang daanin sa maayos ang pagtatanong eh. Papaandaran mo pa ako. Alam ko maiksi ang pasensiya mo, dati pa yan.

" On the way na'ko." hindi na ako nakipagtalo pa.

"Sige see you." pagkasabi nito nawala na siya sa linya.

Tingan mo tong.....Arrghh! May pagkabastos pa. Kulang na lang ihagis ko ang phone ko sa sobrang inis. Tama bang babaan ako.

Buti na lang malapit na ako sa school. Kundi baka mabangga pa ko sorang inis ko. At lalo pang nadagdagan ang inis ko ng pagdating ko sa main gate halos puno na ang parking nito. Buti na lang may isa pang bakante malapit sa dulo. Andito na rin si Haley. Isang kotse lang ang pagitang ng kotse namin sa parking. Ang aga naman ng babaeng to. Akala ko maaga na ako.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon