Chapter 3: Twice a week

65.4K 710 73
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~

Ilang buwan din akong hindi nakadalaw sa bahay na'to. Simula nung nagkahiwalay kami ni Ambrose. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi. Ito kasi ang 10th Birthday ni Alexa, kapatid ni Ambrose. Matagal tagal din kaming hindi nagkita. Pinilit kong kalimutan ang lahat ng may kaugnayan kay Ambrose. I tried to move on. Pero mahirap pala.

Pipindot na sana ako ng doorbell ng may paparating na kotse. Si Ambrose. Oo nga pala, imposible naman na hindi pumunta ito. Bumaba siya ng kotse. Lumapit saken. Simple lang ang suot nito pero napakalakas ng dating niya. Nakagray lang siya ng shirt tpos maong na pants.

Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Magaling siyang magdala ng damit  kahit gaano pa ito kasimple. At habang tumatagal nasasanay na ako sa kulay ng buhok niya. Parang mas bumabagay na sa kanya ngayon.

"Wag mong sabihing nasa tapat ka na nga ng bahay nagdadalawang isip ka pa ring tumuloy?" sabi nito.

Hindi ako sumagot.

"Halika na. Ineexpect ka ni Alexa. Miss na miss ka na niya. You can forget that I'm even here." nakangiting sabi nito sabay hatak saken palapit sa gate. Siya ang pumindot ng doorbell. Maya maya bumukas ito.

"Good afternoon po!" bati ko.

Nagulat ang matanda na kasama nila sa bahay nang makita kami ni Ambrose na magkasama. Hindi kasi kaila sa lahat sa bahay na ito na wala na kami.

"O, kayo na ulit?" nakangiting sabi nito.

Bago pa ako sumagot, inakbayan ako ni Ambrose at nagsalita ito.

"Malapit na ate Carol." sabay kindat saken.

Tumawa ang matanda.

"Aba'y bilisan mo kung ganun." natatawang biro nito kay Ambrose. Pilit kong tinatanggal ang kamay nito pero ayaw niyang bumitaw. Lalo pa nitong hinigpitan ang kamay na nakaakbay saken.

 "O siya pumasok na kayo. Kanina ka pa inaantay ni Alexa iha." sabi nito sa aken.

Hindi na rin ako nag effort pa na tanggalin ang kamay niya. Hindi rin naman ako mananalo sa kanya. Nakita ako agad ni Alexa at takbong lumapit ito saken.

"Ate Jess!" niyakap ako nito ng mahigpit .

Namiss ko 'tong bata na'to. Itinuring ko siyang parang tunay kong kapatid. Napamahal siya saken. Nag sisisi ako ngayon kung bakit pati siya nadamay sa kung ano man ang nangyari samen ni Ambrose. Ngayon ko narealize na mali ang desisyon ko na iwasan pati ang bata na ito. Na kalimutan na rin ang kaugnayan ko sa kanya. Simula ngayon babawi ako sa kanya.

"Kumusta ka na?" sabi ko sa kanya.

" Ba't ngayon mo lang ako dinalaw? Miss na miss na kita. " nakangusong sabi nito. Napatingin siya kay Ambrose parang ngayon lang niya ito napansin. "Bati na kayo ni kuya?" painosenteng tanong nito.

Ngumiti si Ambrose. "Hindi naman kami nag away. Ang ate mo lang yung umaway saken." pabirong sabi nito.

Inirapan ko siya. "Happy birthday!" baling ko sa kapatid niya.Sabay abot ng paperbag na gift ko sa kanya. Isang set ng polly pocket. Favorite niya kasi ito. Pagkakita niya sa gift niya, naptalon siya sa tuwa.

"Yeheey! May addtional na naman sa collection ko!" kumiss isya saken. "Thank you ate Jess!" Tumakbo ito papunta sa corner kung saan nakalagay ang mga gifts sa kanya at nilagay dun ang paperbag ng gift na dala ko.

 Hinawakan niya ako sa kamay ni Ambrose. "Come, I want you to meet my mom." sabi nito.

Napahinto ako. "Andito siya?" tanong ko.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon