Chapter 1: Ambrose

111K 1.1K 123
                                    

A/N

Please Read! Very Important!!!!

This is a side-story of Jessica, ang bestfriend ni Haley sa YPOM.

At dahil isa ka sa mga masugid na taga- subaybay ng YPOM, at higit sa lahat, ikaw ang kauna-unahang nag-comment nu'ng i-post ko ang FOOL ME TWICE, I dedicate this first chapter to you @ReezaAltarezHugo! Thank you so much!

May picture pala si Ambrose sa gilid. 'Yung nasa YPOM na picture n'ya, 'yun 'yung look niya dati. Ito 'yung new look n'ya ngayon. Please check.

***

 

Jessica's POV

"Nanay Lucy alis na po ako, pabukas na lang po ng gate."

Kailangan kong umalis nang maaga para hindi niya ako maabutan. Nagmamadali kong tinungo ang garahe. Pagbukas ng gate, nakahinga ako nang maluwag. All clear, thank God. Walang asungot na aaligi-aligid.

Kumaway ako kay Nanay Lucy para magpaalam. Itinuring ko na itong parang pangalawa ina. Siya ang lagi kong kasama mula pagkabata. We moved here from the States few years ago with my family. When I started college, my parents went back to the states to personally take care of some of our businesses, along with my brother. They visit me every Christmas. Sometimes, I visit them, too, especially during summer.

Palabas na ng garahe ang kotse ko nang humarang sa driveway ang isang itim na Lexus.

What the hell!

Here we go again. Mukhang masisira na naman ang araw ko.

Ilang sandali pa ay  bumaba sa kotse ang isang lalaki. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I wasn't shocked on who it was, because I was already expecting him to be pestering me this early. Naloka ako sa blonde na kulay ng buhok niya. Ano'ng nakain nito at nagpakulay siya ng ganito? Akala niya ikinagandang lalaki niya ito? Nagsimula akong maiinis.

Pero, in fairness, kahit naiinis ako sa kanya, hindi ko maitatanggi na kahit siguro gawin pa niyang fuschia pink ang kulay ng buhok niya, hindi pa rin mababawasan ang gorgeousness, hotness, at isama pa ang handsomeness niya. He can carry himself well. You can ask him to wear rugs and he can still pull it off. Kagaya ng pagpapakulay niya ng buhok. Sa tingin ko, mas bumagay ito kanya. Naging light ang personality niya. Medyo matapang kasi kung tumingin ang mga mata nito. His hair color will exude a perfect contrast to his eyes.

At kahit gaano siya kagwapo sa paningin ko ngayon, hindi ko makakalimutan na galit pa ako sa kanya. Tumayo siya at sumandal sa side ng kotse niya. Nakapamulsa ito at nakangiting nakatingin sa akin. He must be waiting for me to confront him.

Malamang. May choice ba ako?  Nakaharang siya sa daan at hindi ko mailalabas ang kotse ko. Nakita kong kumaway ito kay Nanay Lucy, na ginantihan naman ng ngiti at kaway ng matanda. Magaan ang loob niya kay Ambrose. Boto siya rito. Kahit na nagkahiwalay kami,  hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

Bumaba ako sa kotse at hinarap ko siya.

"Good morning!" Nakangiting bati nito.

Kahit nakakahawa ang positive vibe nito, seryoso akong tumingin sa kanya.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Mataray kong tanong.

Tumawa siya. "Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong nito na tila balewala sa kanya ang pagsusungit ko.

Ang tindi talaga ng kakulitan niya, naka-unli.

"Pwede ba, pakialis mo 'yang kotse mo sa daan at male-lelate na'ko." I'm sure, nakatingkayad na naman ang mga kilay ko.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon