Epilogue

24.8K 502 67
                                    


Jessica's POV

Hindi ko akalaing magkakaroon ulit ako ng peace of mind. At isa sa pinakapaborito kong panoorin ay ang paglubog ng araw. It's such a breath-taking scenery. The setting sun promises a brand new day. Pakiramdam ko, masarap matulog nang matiwasay at masayang gigising sa umaga nang walang inaalala.

Sabi nila, magagawa mo lang ang mga bagay na ito, kung wala ka ng galit sa puso mo. At nagmamahal kang muli.

May mga mga pagkakataong ayaw ko nang balikan ang nakaraan. I was traumatized, yet unafraid. Pero minsan, kailangan kong alalahanin ang mga panahong matapang kong hinarap ang kalungkutan. Ang mga pagkakataong buo ang loob kong inako ang ang mga pagkakamaling nagawa ko. At maluwag kong tinanggap ang poot ng mga taong naging bahagi ng buhay ko. Sa ganitong paraan, malaya kong napapakawalan ang aking emosyon at hindi ako natatakot na umiyak. Hanggang sa maubos ang aking mga luha at mapalitan ng matatamis na ngiti ang masisilayan sa aking mga labi. And this is what they call moving on.

Pagkatapos ng huling pag-uusap namin noon ni Ambrose, I also left. That same day Ian left me. Masasabi kong ito ay isang araw ng paglisan. Paglisan ng mga mahal ko sa buhay. At paglisan ko sa buhay na nilisan nila. Ayoko nang balikan pa ang buhay na iyon. Kung matatawag pa itong buhay. I was left barely breathing. Actually, on that day, my heart stopped beating, again. Deja vu. And my mind refused to take me back to that same dark period of my life. Nung panahong iniwan ako ni Ambrose. Nung mga panahong durog na durog ako at hindi ko alam kung paano babangon. Nung para akong walang buhay na nakalutang sa kawalan. At ngayon, naulit na naman ito.

Sabi ko sa sarili ko, been there, done that. I should know what to do. Dapat kontrolado ko na ang sitwasyon. Dapat alam ko na kung kailan matatapos ang aking kalungkutan. I should know when to stop and drive away the pain. I should know when to let go and say "move on". Sabi ng iba, kapag nagawa mo ang isang pagkakamali ng dalawang beses, katangahan na 'yon. Hindi ka natuto. Para sa akin, hindi totoo ito. Merong tinatawag na second chance. The point is, kapag nangyari ulit ang mga bagay na ito, hindi sapat na natututo ka sa mga pagkakamaling nagawa mo. Kapag naulit ito, and you're close to that moment of committing the same mistake again, you should know when to stop and prevent bad these things from happening again. Kapag hinayaan mong mangyari ito nang paulit-ulit at wala kang ginagawa, tanga ka na talaga.

Sa aking pag-alis, pakiramdam ko, hindi nila ako iniwan. Because I also left. And I tried to smile. Hoping that I'd left all the sorrows and pains. Pero hindi pala. And for the second time, I never felt so alone. Pero hindi na kasing lungkot noong iniwan ako ni Ambrose. I was trying to convince myself that I was not hurting. I am, but not the way I was hurting before. And it only took months for me to recover, unlike before. At napangiti ako. Ibig sabihin, naging mas matatag na ako, mas matapang. Kahit nagpakatanga ako sa pangalawang pagkakataon, natuto ako at heto ako, kayang bumangon muli at harapin ang bukas.

Hindi biro ang pinagdaanan ko. At hinarap ko itong mag-isa.

So when I asked Ambrose to give me space, he never bothered me again. Sabi ko sa kanya, kailangan kong mag-isip. At sinunod niya ang gusto ko. He gave me few months to think. And I shut everyone out, again.

I never contacted Ian as well. Kahit na-mimiss ko siya. At hanggang ngayon wala pa rin kaming communication. Nung umuwi sila Mom at Jim, we never talked about him. Alam kong iniiwasan din nilang banggitin ito. I think it's for the best. Wala akong nakikitang dahilan para pag-usapan pa siya. Nasaktan ko siya. At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako para sa kanya.

Ian didn't deserve me. And he's always been part of my prayers. Sana makalimutan niya ako at maging masaya siya. Hindi ako ang babaeng para sa kanya. I didn't deserve that unconditional love he gave me. Not even that adorable look on his face each time he glanced at me. Nababagay lang sa kanya ang isang babaeng magmamahal at magpapahalaga sa kanya. Ang babaeng mamahalin siya nang higit pa sa pagmamahal na ibibigay niya, at aalagaan siya. And that won't be me.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon