Chapter 7: Another Transferee

55.7K 515 67
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~

*Flashback

Kumakalam na ang tyan ko. Nalipasan na naman ako ng gutom. Tumingin ako sa wrist watch na suot ko. Past 11pm na. Tumingin ako kay Ambrose na tulog na tulog sa tabi ko. Hindi pa pala kami nag didiner.

Si Ambrose kasi napakulit. Hindi ko siya matanggihan. Sabi ko hindi na ulit mangyayari ang nangyari sa Laguna noon hangga't hindi pa ako handa na maging kami. Pero ano, kinain ko rin ang mga sinabi ko.

Iba na talaga ang level ng intimacy namin. Parang sa mag asawa na.  Pag nagdikit kami hindi pwedeng walang mangyayari. Hindi pala siya papayag na walang mangyayari. Ganito kami dati nung kami pa. Walang pakialam, walang pakundangan. We're both wild. And impulsive. Kaya siguro kami magkasundo.

Naiisip ko si Tyler. We spent the night together in Batangas but nothing happened. We kissed, we touched, but not this way. Mas mahal ko nga talaga si Ambrose? O mas malakas ang control ni Tyler? Hayyy....

Teka, naiihi ata ako. Pa'no ako pupunta sa banyo. Tumingin ako kay Ambrose. Himbing na himbing pa rin ito. Kung maglakad kaya ako ng nakahubad papunta sa banyo tapos tatakbo ulit ako pabalik sa kama? O kaya itong kumot na lang kaya ang gamitin ko muna na pantakip sa sarili ko.?Tama.  Tumayo ako para pumunta sa CR ng.....OMG! Si Ambrose, wala palang kumot kasi kinuha ko. Humiga ulit ako sa tabi niya. At dali daling ko tinakpan ang hubad na katawan nito.

Anong gagawin ko? Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid niya. Wala pang msyadong gamit. Maayos. Maaliwalas ang kulay. Hindi ko kasi napansin ito kanina. Msyado kaming busy ni Ambrose sa isa't isa. Para kaming sampung taong hindi nagkita.

Ayun. May nakita ko na towel na naksaampay sa gilid ng closet. Dahan dahan akong bumangon para kunin ito. Mahirap na baka magising si Ambrose yari na naman ako.

Pumasok ako sa banyo. Matapos kong umihi napatingin ako sa bathtub. Hmnnn, inviting. Parang gusto kong magbabad. Pero wag na nga baka magtagal pa ako. Shower na lang muna.

Napansin ko sa mini cabinet niya ang isang shower set na pambabae.  Shower gel, shampoo, conditioner at facial wash. Teka, brand at scent ito ng mga gamit ko. Is he expecting that I might be spending nights here? Napangiti ako. Bruho talaga siya. He planned all of these. Takte tlaga tong lalaki na'to.

Magsisimula na akong maligo ng maisipan kong ilock ang pinto ng banyo. Huh? Walang lock ito. Sliding  door lang. Ganito na ba ngayon ang mga modern na condo. Parang honeymoon suite, walng lock ang mga banyo. Sabagay nasa loob naman ito ng kwarto.  Mabilisang shower lang ang ginawa ko.

Lumabas agad ako pagkatapos. Hinanap ko agad ang mga damit ko. Yung palda ko at underwear nasa sahig. Asan kaya yung blouse ko? Ah, alam ko na. Nasa dining. Naiiling kong pinulot ang mga gamit ko. Nakita ko rin ang mga damit na hinubad ni Ambrose. Pinulot ko ito at nilagay ko sa hamper sa gilid ng banyo.

 Umupo ako sa kama. Hawak ko pa rin ang mga damit na suot ko kanina. Kung dito ako matutulog, anong isusuot ko? Pwede akong manghiram ng damit ni Ambrose for tonight pero paano ako bukas, anong isusuot ko papasok. Maaga pa naman ang pasok ko. Nilapitan ko si Amborse. Kinalabit ko siya.

"Ambrose.." niyugyog ko siya ng mahina lang.

Dumilat ito at tumingin saken.

" I need to go home. Wala ako ng isusuot bukas."

Nagkusot ito ng mga mata niya at bumangon.  May kinuha ito na 3 paperbag na malalaki sa gilid ng kama. Inabot niya saken.

Kinuha ko ang mga paperbag. Binuksan ko isa isa para makita kung ano ang laman. Yung isang paperbag 5 piraso ng mga dress. Puro casual. Yung isa mga shorts, sando at shirt. Yung last, mga underwear. Pinamili niya lahat ang mga ito? Alam na alam niya talaga ang size ko.  Oo nga pala, this is not the first time na binilhan niya ako ng mga damit. The very first was when we spent our first night together sa Laguna.  At ngayon, mukhang niya hindi niya pinaghandaan ang pagpunta ko dito huh.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon