Chapter 11: Kazi

49K 511 91
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

Napakabilis ng panahon. Halos dalawang buwan na rin ang lumipas simula ng bumalik kami ni Ambrose galing sa states. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo. When we left for the US, I thought it would be a great experience to celebrate Christmas with Ambrose and his family. But the greatest I had during that time was our wedding. Akala ko pag uusapan pa lang ang detalye ng kasal. Pero hindi pala. Nung sinabi niya sa parents namin na nag usap na kami sa date ng kasal, sa totoo lang wala akong alam. At natuwa ako at gusto na niyang mangyari ito sa lalong madaling panahon.

Tinigil ko pansamantala ang paggupit ng mga maliliit na shapes ng heart. Malapit na kasi ang Valentines Day at isa ako sa mga na assign na tumulong sa decorations. Pinag masdan ko ang suot kong singsing. I am now Mrs Jessica Reyes. Parang kelan lang. Hindi ko akalain na kami pa rin ang magkakatuluyan. Akala ko tuluyan na siyang sumuko. At muli ako sinuyo. Napangiti ako.

" Hindi ka pa ba uuwi?" si Haley.

Nagulat ako. Pasulpot sulpot ito na parang kabute. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Ilang linggo na silang ganito ni Russell. Hindi siya umuuwi sa kanila. Sa bahay nilang dalawa. At ayaw ring sabihin sa akin kung saan siya tumutuloy. Alam niya kasi na sasabihin ko ito kay Rusell.

" Maya mayang konti. Maaga pa naman ah." sabi ko at tumingin ako sa relo ko. Past 3pm  pa lang.

Lagi siyang ganito nagmamadaling umuwi. Ayaw magbabad sa school. Siguro iniiwasan niyang magkita sila ni Russell.

" Matutulog ako. Napagod kasi ako andaming activity sa org." reklamo nito.

Paanong hindi mapapagod eh lahat ata ng school activity nagvolunteer siya. Ultimong pag kakabit ng mga updates sa bulletin board nagvolunteer siya na siya ang gagawa. At nung mga picture ng soccer team ang ikakabit sa board, nagback out ito at may gagawin daw na iba. Naiintindihan ko siya. Gusto niyang ubusin ang free time niya na busy siya. Para makalimutan siguro pansamanatala ang problema nila Russell. She is burning herself out. Lagi siyang exhausted.

" Gusto mo bang sumama mamaya. Kakain kami sa labas." weekend naman.

Nakagawian na namin ni Ambrose ang kumain sa labas. He calls it a date. At every weekend may bouquet ako galing sa kanya. Iba't ibang klase. Of different colors, from roses to tulips, from pink calla lily and silk flowers. Alam niya mahilig ako sa flowers. Pero hindi niya alam na may box ako sa room na lagayan ng mga dried flowers na binigay niya. Simula nung nanliligaw pa lang siya. Hanggang ngayon.

Weird ba. Sentimental lang siguro ako. And I don't believe some things are perishable. Including flowers. It's how you want them to be. Me, I want to preserve everything that would remind me of him. Of his love. Of his thoughtfullness. His affection.

" Hindi na siguro uuwi na lang ako." tumayo siya at kinuha ang bag at mag gamit na nilapag niya sa desk kanina pagdating niya. Lumabas na ito sa classroom.

Nalulungkot ako pag nakikita siyang ganito. I miss the old Haley. Masayahin. Hindi man siya kasing harot ko pero may pagkapilya rin. Hindi ako sanay. Hindi pa rin niya kinukwento ang buong nangyari. Ganito talaga siya dati pa. Mas gusto niya itong pag usapan pag tapos na. At ang gusto ko sa kanya ginagawa pa niyang bloopers ang mga kaartehan niya ng mga panahong nasa emo mode siya.

 Teka lang. Parang ako lang ata ang gumagawa ng mga designs. Nasaan kaya yung iba. Dapat si Dana andito na ngayon. Tinabi ko muna ang mga ginagawa ko. Makapag CR nga muna at matingnan na rin sa baba kung andun sila. Sumilip muna ako sa bintana kung may mga nakaupo sa bench. Wala. Hmn....nasaan kaya sila. Sa kabilang side na lang ako dadaan baka nasa soccer field yung iba.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon