Chapter 20: Again

39.9K 581 105
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~

" Pakibaba na lang lahat ng mga bulaklak kuya."

Binuksan ko ang resto ang gamit ang susi na binigay sa akin ni Ambrose. The opening will be at 8am. I still have 3 hours to work. And one more thing, the employees will arrive at 7am. It's a plenty of time since everything is well planned. The centerpieces were pre arranged last night pati na mga garlands. Ang gagawin ko na lang ay aayusin ang mga ito at gagawin ang malalaking glads para sa harap.

" Pakiakyat yung sampung centerpiece sa second floor at yung walong garlands. Yung nasa likod na box pakiakyat na rin sa taas."

Sa taas ako unang mag aayos. Sa baba naman magsisimula ang dalawang assistant ko kasama ang isang delivery boy. Sila ang magseset up sa baba. Sagot ko sa taas kasi mas maliit ang space. Kayang kaya ko na ito. Andun kasi ang dalawang malalaking restrooms for men and women. And I think andun din ang office ni Ambrose. So maliit lang ang space na natira para sa mga tables.

I looked at the entire room pag akyat ko. Madali kong matatapos ito. Mas maliit ang space sa inaasahan ko. Ten tables lang ang kasya. Nilapag ko ang mga gamit ko isang mesa. Nakaramdam ako ng alinsangan. Hindi pa kasi bukas ang aircon. Binksan ko ang malalaking bintana. I took my cardigan off. I was wearing only a white spaghetti and a cotton shorts. And I just pulled my hair up in pony tail. I didn't have much time to dress up. Isa pa mas komportable ako na ganito ang suot ko.

"Saan ko ilalagay ang mga 'to Jess?" tanong ni Kuya Arnel.

Nagulat ako sa pagsulpot niya. Isa siya sa mga driver ng delivery van ng shop. Dala nito ang isang malaking box kung saan nakalagay ang mga centerpiece at iba pang gamit.

Itinuro ko sa kanya ang katabing mesa kung saan naklagay ang mga gamit ko. " Dito na lang kuya, dahan dahan lang baka mapipi yung ibang mga bulaklak."

Kasunod niya sina Sarah at Minnie. Mga assistants ko. Dala naman nila ang mga garlands.

" Kuya Arnel wag ka munang umalis. Ihatid mo muna si sarah sa pinakamalapit na coffee shop." pagkatapos hinarap ko si Sarah. " Grab one frappe for me. Samahan mo na ring donuts. Bahala ka na kung ano ang gusto niyong kainin. Isabay mo na rin."

Hindiko na siya kailangang bigyan ng specific instructions. Alam na niya kung ano ang gusto ko. She's been with me for more than two years.

"Text mo na lang ako pag may iba ka pang ipapabili." sagot nito.

Tumango lang ako. I begin to work pag alis nila. Nilabas ko ang isang pirasong papel. It has some of Ambrose's final instructions. Ayaw niya ng mga bulaklak na masangsang ang amoy. Of course kagabi pa ako nagdecide kung anong mga bulaklak ang gagamitin. Gusto niya ay mga odorless. Hindi niya gusto na pagpasok ng mga customers ay bubungad sa kanila ang amoy ng iba't ibang mga bulaklak. Napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw niya ng mga bulaklak na masakit sa ilong ang amoy.  Gusto rin niya ay konting mga dahon lang. Gusto niya na mas angat bilang ng mga bulaklak.

After I walked out from him last time, we never talked about it anymore. When we talk, it's about pure business. I just noticed I got to see him almost everyday for the past few days. Sometimes he would drop by and buy flowers. I don't know kung para kanino. As if I care.

And sometimes pag wala ako sa shop and I have other lunch meetings, I would see him somewhere within the vicinity. If not in the same resto mismo. Pwede kong isipin na sinusundan niya ako. Pero bakit naman niya gagawin yun.

I even remembered one day I went out for a coffee with Kazi. I stopped cutting flowers. Napaupo ako. How can I forget that.  Sumulpot siya sa table namin ni Kazi that time. I think he was with a friend.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon