Chapter 8: The Decision

59.7K 582 91
                                    

A/N

Instructions to access private scene after this chapter is on the author's note at the very last part of this chapter.

========================================================================

Jessica's POV

~~~~~~~~~~

Ang tagal naman ni Tyler. Nasaan Kaya yung lalaking yun? Sabi ko sa kanya dito kami magkikita. Sa ilalim ng puno sa gilid library. Wala kasing masyadong tao dito lalo pag ganitong oras. Halos lahat ng estudyante may klase. At isa pa bihira ang tumatambay dito kasi walang mga bench. Sinadya ko ring itaon ang pagkikita namin sa oras na may klase si Ambrose. Para walang chance na makita niya kami ni Tyler na nag uusap.

Kagabi ko pa pinag isipang maigi kung ano at paano ko sasabihin kay Tyler. Alam ko maiintindihan niya ako. Sasabihin ko na sa kanya ang tungkol samen ni Ambrose. That I will give Ambrose a second chance. That I think he deserves better than me. Siguro para sa isang katulad ko na may nakaraan na,  kung magkakaroon ako ng pagkakataong magmahal ulit ay dun na sa tao na una kong binigay ng sarili ko. Alam niyo naman siguro ang ibig kong sabihin. Ang tungkol sa nangyari samen ni Ambrose ang tinutukoy ko.

Alam ko tanggap ni Tyler ang nakaraan ko. Alam ko na mahal niya talaga ako. Kung may pangamba pa rin ako nararamdaman tuwing naiisip ko ang pakikipagbalikan kay Ambrose, malaki rin ang pangamba ko kapag si Tyler ang pinili ko. Kapag kasama ko siya, masaya ako. Pero hindi ko maiwasang manliit. Lalo na pag sobra sobrang atensiyon ang pinapakita niya saken. Parang hindi ko ito deserve lahat.

Marahil iisipin ng iba na ginamit ko lang siya para makalimutan si Ambrose. Hindi ganun ang sitwasyon. I dealt with my issue with Ambrose alone. I cried alone. When I was in pain, I was alone. And I was already happy when Tyler made a move. I was starting to move on.  And I didn't use him. He just helped me to continue moving on.

Tumunog ang phone ko. May nagtext. Si Tyler. Nasa gym daw siya. Mamaya pa siya lalabas. Pupuntahan ko ba siya? Saglit lang naman ang sasabihin ko. Bahala na. Naglakad ako papuntang gym. Nang malapit na ako sa gym may nadaanan akong dalawang tao na nagtatalo. Parang magboyfriend. Nakayuko lang yung babae. Yung lalaki parang galit.

Pagtapat ko sa kanila hindi ko maiwasang hindi maawa dun sa babae. Parang nakikipag break kasi yung lalaki. Saktong umangat yung mukha nung babae pagdaan ko. Napatingin ako sa kanya. Para kasing pamilyar yung mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali ito yung babaeng kausap ni Ambrose last week. Pero bago ko sila nakita na nag uusap ni Ambrose parang nakita ko na siya dati pa pero hindi ko lang matandaan.

Ang sabi ni Ambrose classmate daw niya ito sa isang subject nung tinanong ko kung sino yung babae. At transferee rin ito kasi nakita ko yung ID niya, parang kay Ambrose din. Temporary ID lang. Pati itong lalaki na kausap niya mukhang transferee din. Natahimik silang dalawa nung dumaan ako. Yumuko ulit yung babae.

Tumuloy ako sa gym. Nakita ko agad si Tyler. Mukhang bagong ligo. Nagbasketball ba sila? Bakit siya bagong ligo. Nakangiti niya ako sinalubong. Niyakap niya ako  ng buong higpit.

"I miss you." bulong nito.

 Tumawa ako. " I miss you too." sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

 Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. " Nagpagupit ka ha." sabi ko.

"Last week pa kaya yan." sagot nito. Hindi kasi kami nagkikita nito. Yun din kasi yung gusto niya.  Ayaw niyang sabayan si Ambrose. Nagbiro pa siya, bukod sa alam niya daw na wala siyang laban dito eh ayaw daw niya akong mahirapan. Ayaw niyang lumalabas na napepressure ako sa presence nilang dalawa. Kaya siya na yung umiiwas.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon