Chapter 16: The Mystery Guy ( Part 1)

43.3K 518 98
                                    

Jessica's POV

 ~~~~~~~~~~~

4 yrs after....

"May naghanap ba sa akin Tessa?" umupo agad ako sa table ko para magcheck ng mga voicemails.

Wala namang importanteng tawag. Dalawa ang galing kay mommy. Tinatanong niya kung makakadalaw ako sa weekend. Kagagaling ko lang dun last month. Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ulit ako makakadalaw. Ang isang tawag nama ay galing sa isang kliyente.

Lumapit si Tessa sa table ko. " Wala naman." sagot nito.

Oo nga naman. Sino ba sa inaakala ko ang maghahanap sa akin ng ganito kaaga. Pero nakasanayan ko na kasing tanungin siya lagi tuwing dumadating ako dito sa shop.

Iniabot niya sa akin folder na naglalaman ng mga cheke na kailangan kong pirmahan para sa mga payables.

Pinagmasdan ko ang laman ng folder. Napangiti ako. Maganda ang naging takbo ng flower shop for the past two years. Hindi ko ito inaasahan. It all started as a hobby. Hanggang sa maisipan kong magtayo nito. Apat lang ang flower shop dito sa area. At ako lang ang natatanging Filipino owner. Yung isang shop na nasa Grand St American ang may ari. Yung nasa Main St naman Dutch ang may ari. At yung isa Israelli naman.

" Jess, wala pa si Jake, malelelate siya. Eh may delivery sa kabilang building. Pwede bang ako na lang maghahatid. Ikaw na munang bahala dito.

Ito ang gusto ko kay Tessa. May initiative. She's been with me for two years as my assistant. Lima lang sila na kasama ko dito sa flower shop. Si Tessa, ang cashier at parang assistant ko na rin. Dalawa ang flower arranger. At dalawa din ang in charge sa delivery. At kahit kelan hindi ako nagkaroon ng problema. It's a blessing at nakahanap ako ng mga empleyado na kapwa ko mga Filipino. Tessa is a relative of a friend of mine. At siya na ang naghanap ng iba pa naming makakasama.

Hindi ako umuwi sa Pilipinas nung time na yun. So from California I went straight here. Life was difficult for me here in New Jersey. Ibang iba ang lugar. Of course aside from the timezone difference, lahat bago sa panignin ko. I mean, yung environment, yung bahay, pati mga tao sa paligid ko. Pero mas gusto ko yung ganito.  Because I wanted to start fresh. Sa isang lugar na hindi ko siya maalala. At dito ako nagsimula. So I decided to move here with my grandparents and stay here for good. I thought it was for the best. And I was right. It was the best decision I've ever made during those times. 

I have the coolest grandparents ever. They have been very supportive. I've never been this close emotionally to anyone. Not even with my parents. I was this close to.....him....but that was before. Hindi rin ako close sa grandparents ko. Pero sabi nga nila, minsan mas gugustuhin mo pang mag open up sa mga taong hindi mo gaanong kilala o kaclose. Sinabi ko sa kanila ang lahat. Alam nila lahat ang nangyari sa buhay ko. Wala akong itinira. 

Masaya ako kasi nagkaroon ulit kami ng bond after all those years. At sila ang mga closest relatives na kasama ko nung time na yun. I didn't want to see my mom. She always looked miserable everytime I see her. Her being miserable reminded me on how my life was. How my life did that to her. At naguiguilty ako. Kung ano man ang pinagdaanan ko nung time na yun damang dama niya. Kaya simula nun pinagbawalan ko siyang dalawin ako. We only see each other once a year. Every yuletide season. And it was always exhausting. Pretending to be happy. That I was fine.

And I guess those days are over. I feel that this year is going to be different. At simula pa lang ito. I don't have to pretend anymore that I'm fine. And happy. Because I really am.

I don't know. Ayokong mag isip. Few years back I was devastated because of a guy. And the reason why I'm smiling now,  is because of one guy...again. After kong manggaling sa bakasyon ganito na ako. Laging nakangiti. Parang tanga. I met someone....again....from he past.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora