Chapter 5: The Reason

62K 635 85
                                    

Jessica's  POV

~~~~~~~~~~~~

"Ayoko na! Tama naaa!!!!" sigaw ni Haley habang tumatakbong papalayo kay Russell. Kung makasigaw tong babaeng to wagas. Tinulak niya kasi si Russell kanina sa pool kaya ayan hinahabol siya nito ngayon.

Andito kami sa Batangas. Sumunod ako dahil sa invitation ni Tyler. Hindi sana ako sasama kaya lang pinilit ako ni Haley. Kaya sumama na rin ako.

Pinagbawalan kasi silang uminom kasi maaga daw ang gising nila bukas para sa practice. Kaya napagpasyahan naming mag night swimming kahit ilang oras lang. Last night na nila kasi dito. Bukas ng hapon ang alis namin.

Pinagmasdan ko ang dalawa habang naghahabulan. Naabutan ni Russell si Haley. Binuhat niya ito at inihagis sa pool. Nakakatuwa sila tingnan. Para silang mga bata. Masaya ako para sa kanila. Lalo na para sa bestfriend ko. Mahal na mahal niya si Russell. At natutuwa ako na mahal din siya nito.

Buti pa siya. Ako, ito alone and lonely. Haaay...Teka, asan kaya si Tyler. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Namiss ko rin tong mokong na'to. Napansin ko lang na parang pasimple niya akong iniwasan noong ng mga nakaarang buwan.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Sa tuwing mag aattempt kasi siya na ihatid ako, lagi akong may lakad. Laging hindi pwede. Pa'no naman kasi wrong timing siya lagi. Minsan natatapat pa na may schedule ako ng tutor kay Alexa kaya hindi talaga pwede.

Kaya nagulat lang ako nung iopen niya ulit yung invitation niya sa Batangas. Akala ko tuluyan na niya akong iiwasan. Maigi na rin siguro na sumama ako. Para maiba na rin yung environment ko. At pati na rin ang mga taong nakikita ko.

Isang tao lang naman ang tinutukoy ko actually. Si Ambrose. Hindi na ako nilubayan simula nung nag start ang sem break. Lagi siyang nasa bahay. Kung ang gusto niya ay maibalik ulit yung pagtingin ko sa kanya kaya niya ginagawa yun, hindi na kailngan. Kasi hanggang ngayon wala namang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya.

Siguro ang kailngan maibalik at kailngan kong matutunana, ay ang ilapit ulit ang sarili ko at loob ko sa kanya. At mabuo ulit ang tiwala ko. Hindi magiging succesfull ang isang relationship na puro pagmamahal lang. Importante rin ang tiwala. Ito rin kasi ang nagpapatagal at nagpapatibay ng isang relasyon.

At willing si Ambrose na gawin ang lahat para bumalik ulit ang tiwala ko sa kanya. Kung noon hindi na importante pa sa kanya na ipaliwanag sa aken kung ano ang toong nangyari. Pero ngayon desidido siya na ipaalam at ipaliwanag ito saken.

Kung tutuusin, ako ang ayaw makinig sa kanya. Hindi ko siya hinayaang magpaliwanag.

Si Tyler. Matagal ko na siyang gusto. Hindi ko ineepxect na manliligaw ito saken. When he first asked me out, I just wanted to date and enjoy. I'm not yet ready for another realtionship.I didn't expect that I'd fall for him.

Hindi biro ang panahong nasayang samen ni Ambrose. Panahong dapat magkasama kami. Pero sino ang may kasalanan? Ako ba? Naala ko ang huling pag uusap namin ni Ambrose tungkol dito.

*Flashback*

" Hindi ka pa ba uuwi? " tanong ko kay Ambrose.

Parang wala kasi itong balak umuwi. Halos gabi na gabi na itong andito simula nung start ng sem break. Hindi ko nga siya masyadong kinakausap. Si Nanay Lucy lang naman ang madalas niyang kausap.

Ang gulo niya kasi. Pag kumilos siya parang kami ulit. Minsan naman deadma lang siya. Nakakainis siya. Hindi siya consistent.

Lumapit siya saken sa couch. Inakbayan niya ako at hinilig niya ng ulo niya sa balikat ko.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon