Chapter 9: Stripes

57.3K 532 71
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

" Cancelled daw yung final rehearsal natin ngayon." si Dana. Isa sa mga ka grupo ko sa mini stage play sa isa sa mga subjects namin.

" Cancelled? Sinong nagsabi? Ilang araw akong nag antay ng aprroval nun at ngayonng kumpleto tayo tsaka makacancel?" napalakas ata ang ang boses ko. Napataingin yung iba sa cafe sa side namin. Pati si Haley at si Irish parang nakakita ng alien. Hindi kasi ako yung tipong nawawala sa control ng ganun ganun na lang.

Kahit sino naman siguro magagalit kasi kailngan namin ang gym ngayon Ito kasi ang actual na venue para sa play so dapat ang final rehearsal.

" May mga naglalaro kasi. Sabi nung isang lalaking mayabang nag sign up din daw sila sa ganitong oras." paliwanag ni Dana.

"Ano?! Nagpapaniwala ka naman kung sino man yung kumag na yun. Akala ko pa naman sa office ng admin galing ang statement na cancelled ang reservation natin sa gym. Teka nga." walk out ako sa kami.

"Uy san ka pupunta?" pahabol na tanong ni Haley pero hindi ko na ito napansin.

Pupunta akong gym. Hindi pwede saken yang ganyan. Hindi pwedeng magkaroon ng dalawang reservation sa isang time slot. At hindi ako pwdeng magkamali dahil may confirmation slip ako.

Nakarating ako ng gym ng ilang minuto lang. Tatlong tao lang naman ang naita kong naglalaro. Yung dalawa kilala ko sa mukha dahil nakikita ko sila sa school. Pero hindi ko alam ang pangalan. Yung isa, malamang ito ang tinutukoy ni Dana na mayabang. Nasa pinto pa lng ako ng gym ramdam ko na ang lakas ng dating niya. Napakapit nga ako sa pinto eh. Weh?

Naglakad ako palapit sa kanilang tatlo. Pumwesto ako sa tapat ng ring. Saktong magshoshoot si yabang nang mapansin niya ang beauty ko.

Kita mo ang iritasyon sa mukha niya. " Hindi mo ba nakikita may naglalaro? Bka pwdeng tumabi ka?" pigil na pigil pa siyang hindi maging bastos nung lagay na yun ha.

" Hindi niyo ba alam na nakareserve ang gym ngayon para sa final rehearsal namin?" gigil kong tanong sa kanya.

" Matagal na kong nagpareserve dito sa oras na'to kaya imposible yun. Kaya pwede ba umalis ka na at nasasayang ang oras namin." masungit na sabi nito.

Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Mukhang transferee lang to kung makapag salita at home na at home eh. Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Hindi ako aalis dito. Kayo ang dapat umalis. Kailngan namin tong lugar na to at matagal ko na ring pinareserve ito kaya imposible rin akong magkamali. " hindi ako nagpatalo sa kanya.

Lumapit ito saken. " Ah ganun? Kapag hindi ka umalis bubuhatin kita palabas ng gym." banta nito.

" Whoaah! Nakakatakot ka pala. Pero hindi ubra saken yang mga ganyan banat. Sige gawin mo." hamon ko sa kanya.

Umiiling ito na natatawa. " Akala mo nagbibiro ako." tumingin pa siya dun sa dalawa niyang kasama. Maya maya lumapit ito at hinawakan ako sa beywang at pinasan ako na parang isang sakong bigas.

Napasigaw ako. " BITIWAN MO NGA AKO! BASTOS KA!" pinaghahampas ko ang likod niya.

Natatawa pa siya. "Ayaw mo kasing makinig yan ang napapala mo." mayabang na sabi nito.

" IBABA MO AKO!!!!" sumisigaw na talaga ako.

" ANONG NANGYAYARI DITO?"

Napatigil ako sa paghampas sa likod niya. Napahinto naman ito sa paglalakad. Tumingin ako sa side nung nagsalita. Si coach Jonah. Coach nila Vince sa basketball. Naramdaman ko binaba na ako nung lalaki.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon