Chapter 15: I should go.....

47.8K 889 308
                                    

Jess' POV

I was on therapy for almost three months. Kahit alam kong kalokohan lang naman ang lahat. Oo, tama ang sabi nila. Malaki ang tulong nito kung makikipag cooperate ang pasyente. Pero sa kaso ko, hindi ko kailangan ng therapist. Kaya ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Ang kailangan ko lang ay time para makapag isip. At ang pinaka importante sa lahat, kailangan kong makausap si Ambrose.

Kaya lang naman ako pumayag na mag undergo ng therapy ay dahil hindi babalik sa states sila mommy hanggat hindi nila nasisiguro ang kalagayan ko. Gusto nila akong iwan under professional supervision. Baka iniisip nila na mabaliw ako o kaya mag suicide. Hindi naman ako ganun. Pero aaminin ko, nang malaman ko na umalis si Ambrose, naisip kong uminom ng sandamakmak na sleeping pills. Kaya lang naisip ko ang mga parents ko. Masasaktan sila.

Pakiramdam ko sunod na sunod na dagok ang nagyari sa akin. At hindi ko alam kung paano ito haharapin mag isa. Bawat gabi na nakakatulog ako, andun ang takot na paggising ko andun pa rin lahat ang sakit. Halos mabaliw ako nang mawalan ako ng anak. At wala akong karamay. Wala si Ambrose. Iniwan niya ako. Mabuti na lang at andyan ang parents ko at mga malalapit na mga kaibigan. Hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako pinabayaan. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas.

Sabi ng doctor wag ko daw isipin na kasalanan ko kung ba't nawala ang baby ko. Maraming cause ng miscarriage. Madalas ay physical strain ang cause nito. Andyan ang madulas ka ng bongga, o kaya magbuhat ng mabibigat, sobrang pagod. Kaya kailangan talaga ang ibayong pag iingat. Pero hindi naman ibig sabihin nito na ang mga physical strain lang ang pwedeng maging dahilan ng miscarriage. Pwede ring emotional.

May mga ibang nakukunan due to severe anger and stress. Sabi ng doctor pag ang buntis nagalit at nastress ng sobra, the brain releases hormones called.....uh, nakalimutan ko na. Ano bang tawag dun. Well, I honestly don't care kung ano man ito. At ang hormones daw na ito ay nagrerelese din daw ng mga chemicals. Na kung saan ang mga chemicals na ito ay nagiging sanhi ng fetal loss.

Well, it makes sense. Nadulas na ako noon pero hindi naman ako nakunan. Pero dinugo ako. Pag masama siguro ang bagsak ko posible akong makunan. Pero gaya nga ng sabi ng doctor, depende sa katawan ng tao. Kaya nga pinag iingat ang mga buntis. Especially pabago bago ang demands ng katawan nila. Minsan wala ka pang ginagawa pero parang pagod ka na, so nagdedemand ang katawan mo ng pahinga. Minsan naman nalulungot ka ng walang dahilan, so ang demand is kailangan mo ng lambing something like that. Nagiging extra sensitive.

Sa totoo lang wala na akong pakialam sa sinasabi niya. Kahit ano pang sugar coat ang gawin niya. Hindi maikakaila na kasalanan ko ang nangyari. Hindi ko pwedeng sisihin si Ambrose. Pwede ko bang sabihin na si Fhaye ang dahilan? Hindi rin. Ako lang talaga. Sa loob ng halos tatlong buwan wala akong narining na balita tungkol kay Ambrose. He never attempted to contact me. Ganun katindi ang galit niya sa akin. At malinaw sa akin ang dahillan ng therapy na ito. Layunin ng therapy ang iligaw ako sa katotohanan na ako ang dahilan ng pagkawala ng aking anak...at pag alis ng aking asawa. At it made me feel even more guilty about it.

Humiga ako sa bermuda grass. Naging tambayan ko na ang garden ni mommy. Narerelax ako pag nakakakita ako ng mga bulaklak. Halos mga halaman sa pIlipinas ang panamin niya. Pero hindi nawawala ang ibat' ibang roses. Gumagaan ang pakiramdam ko. Nawawala pansamantala sa isip ko ang mga problema. Parang nasa ibang dimensyon ako.

Kung bakit andito ngayon, sumundo ako matapos ang mga therapy sessions ko. Pinayagan ako ng doctor ko ng lumabas ng bansa. I'm cleared kumbaga. Hindi inaasahan nila mommy ang pagdating ko. Natuwa ito at the same time nag aalala. Nag aalala siya sa kalagayan ko. At alam niya ang dahilan ng biglaan kong pagdating. Si Ambrose. At tama siya dahil kinaumagahan pinuntahan ko agad ito.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon