Chapter 22: Revealation

40.8K 626 141
                                    

" Welcome back Jess!" nakangiting bati ni Sarah.

Galing siya sa halos dalawang linggong bakasyon kasama si Ian.

" Thank you Sarah." Pilit niyang sinuklian ng ngiti ang masiglang bati ng assistant. " Kumusta naman kayo rito?"

Umupo siya sa table niya at sinimulan niyang buklatin ang mga folders na nasa mesa niya. Patunay na marami siyang naiwan na responsibilidad.

" Ok lang naman. Syempre maraming naghahanap sa'yo." sabi nito. " How's your vacation?" dagdag nito.

Hindi siya nakasagot agad. Kumusta nga ba ang bakasyon niya? O bakasyon nga ba na matatawag. Bakit napakabigat ng pakiramdam niya at parang pagod na pagod siya. Pumikit siya. Kahit anong gawin niya ay hindi mawala ang guilt na nararamdaman niya.

Oo, galing sila sa bakasyon ni Ian. At pansamantala niyang natakasan si Ambrose ng araw na iyon. Pero hindi siya tinigilan nito. He was bugging her with calls and text messages. Nagmamakaawa ito sa mga text messages niya na magkita sila at mag usap. Gusto niyang pagbigyan ito. Pero sa tuwing nakikita niya ang masayang aura ni Ian hindi niya magawang replayan ito. Kaya nagdesisyon siya na magpalit ng number.

" Siya nga pala, yung huling client natin bago ka umalis. Si Mr Reyes, araw araw tumatawag, hinahanap ka. Pilit kinukuha ang bago mong number. Tinatanong ko nga siya kung anong kailangan baka matulungan ko siya. Pero sabi niya ikaw daw ang gustong makausap. Hindi ko binigay yung bago mong number kasi baka magalit ka."

Sumandal siya sa swivel chair niya. Parang hapong hapo ang pakiramdam niya. Alam niya na hindi niya maiiwasan si Ambrose ngayong nakabalik na siya. Wala naman siyang balak na takasan ito. Hindi lang niya siguro kayang harapin agad ito matapos ang nangyari sa kanila.

Actually, kahit si Ian, hindi niya alam kung paano niya pakikiharapan ito. Sa totoo lang balak na niyang sabihin kay Ian na nagkita na ulit sila ni Ambrose. Na nandito ito ngayon sa Pilipinas. Kumbaga uunti untiin niya ang pag amin kung ano ang namagitan sa kanila ni Ambrose. Pero tuwing nakikita niya kung gaano ito kasaya at ka excited sa muli nilang pagkikita nawawalan siya ng lakas ng loob magsalita.

That same night he spent his night with Ian, he told him she had period. She can't do it with Ian that same day she did it with Ambrose. She hated herself for lying to Ian. That was the first time she lied. And when they made love few days after, she felt like a whore.

 Pero hindi niya pwedeng hindi sabihin kay Ian ang totoo. Ayaw niyang sa ibang paraan o kaya sa ibang tao pa niya malaman ito. Si Ambrose, kakausapin niya ito. Pero sa ngayon aayusin muna niya ang naiwang mga trabaho.

" Bayad na ba lahat ng bills?" tanong niya kay Sarah.

Pilit niya inaalis sa isip ang imahe nina Ian at Ambrose.

" Oo cash ko na lang binayaran lahat. Andyan lahat ng receipts naka attach sa vouchers." sagot nito.

Maasahan talaga tong si Sarah. Alam nito ang gagawin kahit wala siya. Kung tutuusin pwede na niya itong iwan para mag manage ng shop. At sa tingin niya ito na ang pinakamagandang pagkakataon para lumabas ng bansa. Para magkaroon sila ng pagkakataon na magkasama ni Ian ng matagal tagal.

Hindi pa niya tapos basahin ang isang folder na may lamang mga report nang tumunog ang chime ng pinto at bumukas ito. Ambrose came in. Napahawak siya ng madiin siya sintido niya.

" You've got to be kidding me." bulong niya sa sarili.

Tuloy tuloy si Ambrose sa loob at parang may hinahanap ang mga mata nito. Napahinto siya nang makita si Jess sa table niya.

" Hi Sir!" bati ni Sarah sa dumating.

Pero hindi nito pinansin si Sarah. Tuloy tuloy siya sa mesa ni Jess.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon