Chapter 4: Carl

62.7K 597 39
                                    

Haley's Pov
~~~~~~~~~

"Uy ba't late ka kanina?" tanong ni Jess.

Nilagay ko yung mga gamit ko sa mesa pagkatapos pumila na'ko sa counter ng cafe. Bakit ako nalate?

"Nalate kasi ako ng gising. Galing kasi ako dun sa kabilang bahay may inayos ako para sa blessing." pagsisinungaling ko.

Ang kulit kasi ni Russell. Di na naubos ang "isa na lang" niya. Palibhasa 11am pa yung pasok niya kaya malakas ang loob magpuyat. At sabihan ba naman ako na wag muna daw akong pumasok ngayon.

Pero ok lang din kahit late ako. Napakasaya ko. Mahal din ako ni Russell. Wala na akong mahihiling pa. Isa na lang talaga kulang samen. At dadating din ang time magiging kumpleto din ang pagsasama namin. Magkakaroon din kami ng sarili naming pamilya.

"Asus. Alam ko na yan. Kahit hindi mo sabihin. Nalate ka ng gising ibig sabihin puyat ka. At hindi ka mukhang puyat te, mukha kang blooming." pag aasar nito.

Tumawa lang ako.

"Ikaw nga diyan ang blooming eh. Kumusta na kayo ni Tyler?" sabi ko.

Nagulat siya. Tumahimik ito. Hindi na ulit ako nagsalita.

Nasa mesa na kami pareho at nagsimula na kaming kumain nung magsalita ito.

"Cool off muna kami ni Tyler." nakayukong sabi nito.

Napatigil ako sa pag nguya.

"What!?" ano namang drama nito ni Jess. Hawag niyang sabihing may kinalaman na naman dito yung Ambrose na yun.

"I'm seeing Ambrose." derechong sabi nito.

"What?!" the hell!

"I know. Tanga na ko kung tanga. Magalit ka saken ok lang pero, I...just can't avoid him." helpless na sabi nito.

Ito na nga bang sinasabi ko eh. Tama ang hinala ko. Nung araw na pinatawag siya ni Prof Reyes alam ko na may kaugnayan ulit ito kay Alexa. Si Alexa ang naging dahilan para magkalapit ang dalawa. At malamang ito ulit ang maging dahilan para magkabalikan ang dalawa.

"At ano naman ang drama niya ngayon ha?" naiinis lang ako kasi halos pareho kami ng naging kapalaran ni Jess.

Nahuli rin niya si Ambrose na may ibang babae. Ang pinag kaiba lang ni Ambrose kay Vince, si Ambrose iniwasan ni Jessica ng ilang buwan. Pinagtaguan niya ito. Di gaya ni Vince siya ang umiwas saken ng halos dalawang linngo. Walang text o tawag. As in wla tlga.

Pero si Ambrose matyagang nag abang sa labas ng school tuwing uwian. Habang si Jessica naman ay hindi malaman kung kanino sasabay pauwi para hindi siya makita ni Ambrose. At pati sa labas ng bahay nila inaabangan din siya nito. Kaya nakituloy si Jess kina Irish ng ilang linngo. Hindi rin  siya pwede sa condo ko kasi one time pinuntahan siya ni Ambrose doon.

"I don't know. He'll do everything to win me back." sabi ntio.

Alam ko kung gaano siya kamahal ni Ambrose.At ganun din si Jess. Pero hindi ko maintindihan kung ba't niya nagawang lokohin si Jess.

"Have you talked about it? About dun sa nangyari." tanong ko.

"Hindi pa. And I don't wanna hear about it. Ano pa ba ng kailngan niyang ipaliwanag. Kitang kita ng dalawang mata ko."

Yun ang mali ni Jes. Hindi niya hinyaang magpaliwanag si Ambrose. Sabi ko sa kanya kausapin niya para matapos na pero ayaw daw niya.

"Malay mo, may mabigat pala na dahilan. Kung ako sayo hayaan mo syang magpaliwanag. You see, almost 1 year na yung sinayang nyong dalawa. Pa'no kung wala palang kasalanan si Ambrose."

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon