Chapter 13: Missed Call

47.4K 507 55
                                    

Jessica's POV

Hanggang ngayon hind pa rin ako makapaniwala. Na nasa paligid lang pala ang babaeng naging dahilan kung ba't nagkahiwalay kami ni Ambrose noon. Unti unti na namang bumabalik sa alaala ko ang eksenang naabutan ko noon sa kwarto ni Ambrose. Ang eksenang naging multo sa aking alaala ng halos isang taon. Ang alaalang hindi nagpatulog sa akin gabi gabi.

Kahit alam ko na ang totoong nangyari na hindi ito ginusto ni Amborse. Na wala siyang gusto sa babae na yun, hindi pa rin ako matahimik. Pakiramdam ko may ahas sa paligid at handang manuklaw anumang oras.

Tuluyan ko ng iniwasan si Fhaye. Iniwasan ko lahat ng charity programs na kasama siya. Sabi ko na nga pamilyar ang mukha niya. Siya yung nakita ko na kausap ni Ambrose isang beses. Hindi ko na kasi maalala yung mukha nung babae na kasama ni Ambrose sa kwarto. Siya pala yun.

Ngayong alam ko na, hindi ako dapat maging kampante. Yung ginawa niyang pag akit dati kay Ambrose ay isang desperate move. At hindi ko alam kung kelan ulit siya magiging desperada. Malay ko ba kung may feelings pa siya kay Ambrose. Nakatakot ang mga babaeng ganun. Mga desperada. Kayng gumawa ng kahit na ano makuha lang ang gusto nila.

At naiinis ako kay Ambrose kasi nung una ko silang makita ni Fhaye, nung tinanong ko siya kung sino ito, sabi niya hindi daw niya kilala transferee din daw. Bakit hindi niya sinabi yung totoo? Pero hindi ko na ito inungkat pa. Sinabihan niya ako na iwasan ko si Kazi, pero ano, siya pwede niyang lapitan si Fhaye? Bahala siya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya.

Hindi ko iiwasan si Kazi. Eh ano kung makita niya na kasama ko siya. Tsaka two birds in one shot yun, dapat kong ibefriend si Kazi. Baka makakuha pa ako ng information tungkol sa nangyari noon at tungkol kay Fhaye. Sabi nga ni Haley, keep your friends close, and your enemies closer.

" Baka maging kamukha ko na ang anak mo niyan." bigla ito nagsalita nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ice cream na kinakain.

Kanina ko pa kasi siya punagmamasdan. Namumula na yung mga labi niya sa lamig ng ice cream na kinakain niya. At ang takaw niya. Hindi lang sa ice cream. Kahit anong pagkain. Ilang araw ko na ring kasabay mag lunch si Kazi. Busy kasi si Ambrose. Malapit na ang major game nila.

" Bakit naman?" patay malisya kong tanong. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Grabe siya kumain.

" Wag mo akong paglihian. Baka pumayat ako." napansin niya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

" Ikaw papayat? Sa takaw mong yan?" pambihira. Naubos nga niya mag isa yung half galon na ice cream. Ubos ng wala pang 10 minutes.

Tumawa lang siya. Hindi na nagsalita ulit. Baka siguro mabitin sa pagkain.

" Uy baka mag brain freeze ka." oh di ba. Concern naman ako. Kung kelan paubos na tska ko naisip na paalalahanan siya.

Tumawa ulit ito. " Favorite ko ang ice cream. May technique ako para hindi ako mag brain freeze."

At may technique pang nalalaman ang kolokoy. " Sige nga, anong techinique yun?"

Huminto siya sa pagsubo. " Dapat kasi tinutunaw mo muna sa bibig mo bago mo lunukin. Para na rin hindi mamaga yung lalamunan. Tsaka yun nga, iwas brain freeze na rin. Marami pa akong makakain na ice cream."

Hindi ko pa rin maimagine. Kahit na siguro sundin ko ang technique niya hindi ko pa rin kayang kumain ng ganyan karami na ice cream.

" Ganyan ka ba talaga kalakas kumain niyan?"  ang gagamitin ko dapat na word " katakaw". Eh hindi pa naman kami ganun ka close baka ma offend siya.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon