Chapter 14: All Gone

49.8K 569 146
                                    

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~~

Hindi rin ako natiis ni Ambrose. Akala ko patuloy kaming deadma sa isa't isa. Namimiss na daw niya kasi ang baby niya. Lagi niya kasing kinikiss ang tyan ko bago kami matulog. Pag galit siya siya deadma kunwari. Pero pag akala niya tulog na ako yayakap siya sa akin.  Alam ko hindi niya ako matiis. Alam ko maldita talga ako madalas kaya minsan nagmamatigas din siya. Nasasanay daw ako ng ganun. Kaya minsan pag galit ako hindi na rin niya ako pinapansin. Pero ang nangyayari siya pa rin ang unang nakikipagbati.

At syempre hindi ko rin sinabi sa kanya ang nadiscover ko sa phone niya at ang pagtawag ni Fhaye. Pero nakikiramdam ako at nag aabang ng mag susunod na mangyayari. So far hindi naman na ito tumawag ulit. Babantayan ko ang mga kilos ni Ambrose. May tiwala ako kay Ambrose. Kay Fhaye ako walang tiwala. Kung nagawa niya yun noon, kayang kaya ulit niyang gawin anumang oras.

" I like this one." nakatingin si Ambrose sa isang crib na may combination ng pink at blue.

Double purpose ito. Pwedeng duyan pag tinanggal ang lock sa gilid. At may nakatakip na parang kulambo na white.

" Pre order po yan sir, display lang po yan." sabi ng saleslady.

" Kelan ang next delivery niyo?" tanong ni Ambrose.

" Baka May pa ho siguro, pero pwede na pong mag pareserve ngayon."  sagot ng babae.

Tumingin sa akin si Ambrose. Parang hinihingi nito ang approval ko.

" Hindi ba masyado pang maaga para bumili tayo ng mga gamit?" naalala ko kasi ang sabi ng mga matatanda. Na masama mamili ng mga gamit ng baby ng sobrang aga. Wala pa ngang anim na buwan ang tyan ko.

We are here para mag window shop lang sana. Para mag karoon ako ng idea sa mga histura ng crib at strollers. Tsaka na kami mamimili pag malapit na akong manganak.

" Ayaw mo pa ba? " tanong ni Amborse.

" Hindi naman. Gusto ko lang tumingin muna. Balak kong mamili pag malapit na akong manganak."

Parang sa ikakasal. Bawal daw isukat ang wedding gown at baka hindi daw matuloy ang kasal. Parang kinilabutan ako sa naisip ko. Na hindi matutuloy ang pagbubuntis ko.

Kaya iniwan ko sila ng saleslady. Sa may strollers naman ako pumunta.

Sumunod nman si Ambrose. Sa mga strollers, isang color baby pink ang napili ko. Yung reversible. Pwede sa harap  at likod yung tulakan.

Bakit puro baby pink ang color? Your guess is right, it's a baby girl. Nakita na namin ang mukha ng baby namin thru 3D ultrasound. Though sobrang aga pa para malaman ang gender sabi ng iba.  Dahil nagkataong nakaharap si baby nung ngpa ultrasound ako, kaya ayun kitang kita ang gender niya.

At tuwang tuwa si Amborse nung malaman niya na baby girl. Kahit na noong una gusto niya syempre lalaki. Pero nung makita niya ang hitsura ng anak niya sa monitor nung nagpa ultrasound kami, tuwang tuwa ito, kamukha daw niya. Umuoo na lang ako. Kahit sa totoo lang mas kamukha ko siya lalo na sa lips. Pinaprint namin yung copy ng hitsura niya.

Si Ambrose? Mas excited magshopping ng mga gamit kesa sa akin.  At ako naman ilang araw na rin akong busy sa pag aayos ng nursery sa bahay. Doon kasi kami tutuloy pag nakapanganak ako. At para na rin may kasama ako, si nanay Lucy. Tapos na ang repainting nito. Light colors lahat ang paint. Combination ng rainbow colors pero puro pastel colors lang.

Nag ikot ikot rin kami sa mga damit at mga accessories. Sa mga feeding bottles at mga damit. Kahit na ayaw ko pang mamimili ng mga gamit, at the end of the day si Ambrose pa rin ang nasunod. Namili kami ng mga baby dresses, feeding bottles and mga accessories para sa nursery.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon