Chapter 12: Fhaye

47.2K 475 40
                                    

 A/N

Nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jessica's POV

~~~~~~~~~~~

" Easy lang, ayan ka na naman." nakatingin si Ambrose habang pababa ako ng hagdan.

Dito kami tumutuloy sa bahay ngayon para maalalayan ako ni Nanay Lucy. Napansin niya medyo nagmamadali ako sa pagbaba. Pinag rest ako ng OB ko ng week. Para obserbahan na rin kung sasakit pa ulit ang puson ko. Awa ng Dioys hindi na nanakit pa ulit. Hindi naman ako nagbleed last time, so pwede na ulit akong bumalik sa school. At babalik na rin kami ni Ambrose sa condo mamaya.

" Excited lang kasi ako. Naiinip na ako dito sa bahay." umupo ako sa tabi niya para magbreakfast.

Nakatingin siya sa shoes na suot ko. Naka flats lang kasi ako. Ngumiti ito.

" Bakit?" tanong ko sa kanya. Kahit alam ko kung ano ang dahilan bakit siya nakangiti.

Umiling siya. " Wala, kumain ka na lang." tumayo na siya.

Hindi kasi ako sanay ng naka flats. Sinabihan na ako dati ng OB nung unang check up ko. Na wag munang mag susuot ng matataas na heels. Hindi naman daw bawal. Kailangan daw ksi dobleng ingat kasi pag nadulas ako mas may balanse ako pag flats ang gamit ko. Kaya siguro nakangiti si Ambrose kasi sinunod ko this time ang sinabi ng OB. Hindi rin siya pabor sa pagsusuot ko ng matataas na heels. Hindi niya magets kung bakit kailangan mag suot ng ganun katataas ang mga babae.

Humalik siya bago umalis sa table. " I'll wait for you outside. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa kwarto."

Napatingin ako sa phone ni Ambrose na naiwan niya sa mesa. Tatawagin ko sana siya pero nawala na siya sa paningin ko. Di bale dadalhin ko na lang paglabas ko.

" Ok na ba sa'yo to? Hindi ko na masayadong nilagyan ng sabaw. Medyo maanghang kasi." Nag prepare si Nanay Lucy ng lunch ko. Namiss ko kasi ang mga luto niya. Mahilig ako sa maanghang lately. Gaya ng pag babaon ko ng Bicol express. Nag request ako na dagdagan niya ng sili.

" Ok na po yan." sagot ko. Kahit na medyo nadisappoint ako kasi gusto ko talaga ng maanghang at maraming sabaw.

Nilagay na niya lahat sa thermal bag.

" Yung gatas mo tinimpla ko na. Iwanan mo na lang sa compartment ng kotse dun sa styro para mainit pa mamayang lunch. "

Napangiti ako. Kaya gusto ni mommy na dito ako tumuloy sa bahay kasi naasikaso ako ni Nanay Lucy. Alaga ako pag andito ako. Pero gusto ko rin makasama si Ambrose ng kaming dalawa lang. Yung ako ang nag aasikaso sa kanya.

Magsasalita sana ako ng maramdaman kong mag vibrate ang phone ni Ambrose. Tiningnan ko ito. Number lang. Hindi naman long distance. Local cellphone number lang. Iniisip ko kasi baka mommy niya ang tumatawag. Napalingon ako sa hagdan. Hindi pa bumababa si Ambrose. Sagutin ko kaya. Nag hang up na.

Tumayo na ako at kinuha ko na ang mga gamit ko.

" Nanay Lucy pakisabi po kay Ambrose ready na ako." ininom ko ang natitirang gatas sa baso ko. Inubos ko ito kahit na hindi ko gusto ang lasa. Hindi na ako mapili sa pagkain o inumin pero hindi ko lang gustoo ang lasa ng maternal milk. Ilang beses na akong nagpalit pero parang pare pareho lang ng lasa.

Kinuha ko ang phone ni Ambrose. Nang mag vibrate ulit ito. Umakyat na si Aling Lucy para tawagin si Ambrose. Dumerecho na ako sa garahe. Patuloy pa rin sa pagvibrate ang phone niya. Hindi tumigil. Same number pa rin. Baka importante. First time kung makikialam sa phone ni Ambrose. Baka magalit siya pag sinagot ko. Nawala ulit yung tawag.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon