Chapter 17: The Mystery Guy (Part 2)

43.8K 572 98
                                    

Jessica's POV

Bad trip. Ngayon pa umulan. Hindi na sana ako sasakay ng bus. Kayang kaya kong takbuhin ito kung tutuusin kasi limang kanto lang naman ang layo nito mula sa unit ko. I moved out when I started the flower business. At first hindi sila sang ayon ang mga grandparents ko. Siguro iniisip nila na hindi ko pa kaya ang mag isa. I explained to them that I wanted to start on my own. I promised I will still see them regularly.

Maraming development na mga nangyayari sa buhay ko. Marami rin pagbabago. At maraming bagong balita. And guess what? I received a call from Haley. Yes, that bit-ch. Alam niya galit ako sa kanya. Oo nagalit ako. Because she shut all of us out of her life when she left for Madrid. Hindi niya alam na lahat ng nagmamahal sa kanya nag aalala. She forgot that I'm her bestfriend.

And now after 4 years she called just to say that she's pregnant on her second baby. Ayos lang di ba? Ang sarap sabunutan eh.  Well, she's really my bestfriend. She knows me. Pareho kami ng ugali. We always look at the present time. Alam niya hindi tama ang kumustahin niya ako. Because she doesn't know how I was  doing. I'm sure nalaman niya na niya ang nangyari sa amin ni Ambrose. Nananantya siya kumbaga. I'm sure one of these magchihcikahan kami to catch up for the lost times. And I'm happy for her. Masaya na siya sa piling ni Russell. Buti pa siya. 

Pumara ako ng bus. Mabuti na lang at hindi punuan. Saturday kasi. Ito rin ang schedule ko ng jogging. Umupo ako pangatlong bakanteng upuan na pandalawahan. Parang nang aasar naman ang pagkakataon, humina ang ulan nung makasakay na ako. Pero hindi na ulit ako bumaba.

Huminto ang bus sa isang kanto nung pumara ang isang pasahero na nasa unahan. Dalawa ang sumakay. Isang babae at isang lalaki. Naunang umupo ang babae sa unang bakante na upuan na nakita niya.

Sumunod ang lalaki. Pinagmasdan ko ito. Nakasuot ito ng hoodie na sweater. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit bahagyang nakayuko ang lalaki alam ko na hindi ito arabo. Buti na lang. Nag iisa na lang kasi na bakante ang upuan sa tabi ko. Kaya malamang sa akin tatabi ito. 

One time kasi may nakasabay ako na arabo kulang na lang hipuan ako. Hindi maalis alis ang tingin sa legs ko. Umusog ako ng konti. Pinagmasdan ko ang lalaki sa side view. $hit. Kilala ko ito. Tama ang hula ko. Umupo nga ito sa tabi ko.

"H..hi!" bati nito na mukhang nagulat nung mapansin niya na ako pala ang katabi niya.

It's Ian. 

Ang pagkakataon nga naman. At mukhang galing din ito sa pag jojogging. At gaya ko kaya siya sumakay ng bus kasi umuulan. Hinubad nito agad ang sweater na suot na na tila nabasa ng konti sa  ulan. Hindi ko siya maiwasang hindi tingnan ang bawat galaw niya.

For the past few years nawalan akong interes sa lalaki. Pansamantala. Since we've seen each other other again, parang bumabalik na ulit ako sa normal. I began to notice people around me. Especially guys. Good looking ones. 

At ito ang weakness ko. I have a heart for good looking guys. Hindi ko sila ma resist na hindi titigan. Sa loob ng ilang taon akong nawalan ng gana. Nawalan ng atraksiyon. Isang lalaki lang ang nasa isip ko. Wala ng iba.

Pero hindi na ngayon. Bihira ko na siyang maisip. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Is this a good sign? Have I moved on? Am I over him?

"Jess." he snapped his fingers in front of me.

Kinakausap niya pala ako. Hindi ko siya narinig. Nakatitig kasi ako sa mukha niya. Nakatitig ako sa mga mata niya. Naaliw kasi akong pagmasdan siya. Meron siyang dugong Japanese at Brazilian. Pero kahit saang anggulo ko siya tingnan hindi siya mukhang Hapon. Mas mukha siyang Brazilian sa paningin ko. 

" Ano ulit yun?" tanong ko sa kanya.

Tumawa siya.

" That's what I thought. Your mind is somewhere else." tukso nito. " I'm wondering if you can join me for breakfast."

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon