Kabanata 32

26.1K 776 206
                                    

I'm sorry for not updating yesterday. Bawi na lang ako.

Kabanata 32

Water

I'm still hugging the iPad while crying so bad. This is so painful! Hindi na ako halos makahinga habang umiiyak dahil bawat mga salita ni Sylvester ay tumatak sa isipan ko. Ang kaniyang itsura ay tila permanenteng iginuhit sa isipan ko na kahit anong gawin kong bura ay hindi pa rin ito nawawala.

Is it possible for me to forget about him? I can't even stop loving him despite of everything that he did to me! How am I supposed to forget him then? Paano ko gagawin ang isang bagay na mismong sistema ko ay tinatanggihan ito?

"Syl..." mahina kong sabi habang hinahaplos ang iPad.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga nangyayari. Bakit kailangan niya pang mawala? Bakit ngayon pa? Oras na ba niya? Wala na ba talaga?

Hindi man lang ako nakabawi sa kaniya.

I can't let go of him that easily. There's no way in hell! Hindi! Hindi pwede!

Mahapdi na ang aking mga mata at ramdam ko na ang bigat nito. Barado na rin ang aking ilong at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil mukhang gusto ko na namang umiyak.

Biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. I saw Sylvester's mom, panting and crying. There's no trace of sadness in her eyes because it was covered with a real happiness.

Mabilis siyang pumunta sa akin at mahigpit akong niyakap. Humagulgol siya sa aking balikat habang sinusubukang magsalita.

"He made it..." she said almost like a whisper. "He's alive, hija!"

Nang una ay naguguluhan pa ako pero nang umiyak siyang muli ay doon ko na nakumpirma ang nais niyang sabihin.

Buhay si Sylvester!

Lumabas kaming dalawa para puntahan si Sylvester na nasa operating room pa rin. Nakita ko roon si Devy na may hawak na espada at nakatutok ito kay Devour. Sa taranta namin ay napatakbo kaming dalawa ni Ma'am Sylvia, nawala na rin sa isip kong buntis pala ako.

"Come on, Vy!" Devour rolled his eyes. "I didn't know anything!"

"What's happening here?" tanong ni Ma'am Sylvia.

Sinubukang agawin ni Forbid ang espada kay Devy, ito yata ang espada na ginagawa niyang pangtukod. Nakakapagtaka lang na alam niya kung nasaan ang direksyon ng espada dahil nagawa niyang iwasan ang patalim nito nang hawiin ni Devy ang kamay niya.

"Give me back my sword, Devy. Kapag ako talaga nadapa, ah?" she said with a calm voice.

Hinagis ni Devy ang espada papunta kay Forbid. Nahugot yata ang hininga ko dahil mukhang tutusok ang patalim sa mukha nito pero mabilis itong nailagan ni Forbid na para bang kalkulado niya ang mga nangyayari.

"Tss," Forbid hissed while fixing her sword.

Should I avoid the two of them? They're both scary and intimidating despite of having a beautiful face. They both looked like a model but they act like some mafia or a gangster! What exactly are these two girls?

The operation is still on going. Nakakagulat dahil lumalaban si Sylvester kaya naisasagawa nila ang operasyon. Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong hindi biro itong ginagawa nila lalo na't kanina lamang ay bumigay na ang kaniyang katawan.

Pinaupo ako sa tabi ni Forbid na bitbit ang kaniyang espada. Si Devy naman ay nakasandal sa pader at nakayuko lamang. She's really affected just like anyone of us. We can't avoid that feeling because it has something to do with Sylvester's life. Isang mali lang ay baka bawiin na ulit siya sa amin at ayaw kong mangyari iyon.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now