Simula

57.1K 1.3K 228
                                    

This is dedicated to all of my beloved Asters. I love you all! Thank you for the never ending support. Hehe.

Next update would be after Seizing Hell's Wakas. Thank you!

Simula

Marriage

Isang sagradong bagay na dapat hindi ginagawang biro. Seryosong bagay na dapat pinag-iisipan nang mabuti. Walang lugar ang padalos-dalos kapag 'yan na ang pangunahing ideya sa isang usapan.

"Ma'am Ellington!" tawag ng isang batang babae. Her hair were on a tight ponytail. She's wearing a pink dress together with her pink barbie shoes.

"Sige, Lyn, anong nais mong sabihin?" nakangiti kong sabi.

"Sa istorya po ba na kinuwento niyo kanina ay may magandang wakas po ba?" kuryoso niyang tanong at kumamot pa sa kaniyang maliit na ilong.

"Hindi po ba ganoon naman ang karaniwang mga wakas sa kwento? When the two protagonist got married, they will live happily ever after?" dagdag niya pa.

I smiled painfully.

How I wish it could be as easy as that. Sana nga ay makatagpo tayo ng isang taong kaya tayong bigyan ng isang magandang wakas, hindi 'yong panandaliang kasiyahan na may kasunod na hagupit at kalungkutan.

Kahit pa gaano niyo kamahal ang isa't isa, kahit pa maayos naman kayong nagsasama, kapag ang tadhana na ang naglaro, wala talaga. Kailangan mo na lang tanggapin na hanggang doon na lang, wala nang kasunod pa.

Asintado naman pumana si Kupido, hindi ko lang alam na kumukupas pala ang epekto nito. Parang kaming dalawa lang. We were so in love with each other but he left me as he took my heart away with him. But he returned it years ago, durog na durog nga lang.

"Hindi sila nagkatuluyan," malungkot akong ngumiti. Napabuntong-hininga ako habang pinapakinggan ang mga hinaing nila tungkol sa kwentong sinabi ko.

It's actually the story of my life. I could still clearly remember the day where I imagined myself as a princess who lives in a huge castle, waiting for his prince to come just so we could have our own happily ever after.

Pero hindi iyon ang nangyari. The evil witch cursed me during the happiest day of my life. At the end of the story, I wasn't able to have my own happy ending. And I will never have one.

That's the problem with fairytales. Lagi silang nagpapakita sa mga manunuod ng isang magandang wakas, walang maipipintas. And we, the audience, were too blinded by having a happy ending when in fact that sometimes, things won't go according to how you think it should be.

Hindi ganoon kadaling maglaro sa reyalidad. It's always a matter of life and death situation. There's always a risk on everything, kung hindi ka susugal, hindi ka makakaalis kung saan ka nakatayo. You should be wise enough to play with your own fate.

That's my biggest regret, ang sumugal sa isang laban na alam kong sa umpisa pa lang ay talo na ako. Sumugal ako kahit hindi sigurado, hindi ako nag-isip. Naging padalos-dalos ako.

"Ma'am, bakit po hindi sila nagkatuluyan?" tanong pa ng isang batang lalaki. "Ang sinabi niyo po ay umalis siya at iniwanan ang asawa niya. Hindi na po ba siya bumalik?"

Umiling lang ako at tumango. "Hindi na siya bumalik. Limang taon na rin simula nang iwanan niya ang kaniyang asawa,"

"Ano po bang totoong rason kung bakit siya umalis? Hindi niya po ba mahal 'yong asawa niya?" rinig ko pang tanong ng isang bata. "Ang sabi po ni Mommy sa akin ay dapat magpapakasal ka lang sa taong mahal mo. Why did he marry his wife if he doesn't love her po?"

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now