Kabanata 14

18.7K 549 118
                                    

Before anything else, I just want to say congratulations to my beloved Junaira for making it to the top! You did well, baby girl. So much love for you!

Enjoy reading hehe.

Kabanata 14

Gitara

Ilang araw na ang lumipas at nanatili ang pagiging ilag ko kay Sylvester. Bihira ko na rin gamitin ang phone niya para hindi na magalit si Atheo. Ayoko na kasing mag-away pa kaming dalawa ulit. Ang hirap kapag galit siya sa akin, para akong dinudurog.

Biyernes ngayon at kinabukasan ay wala kaming gagawin. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta kaya baka sa palengke na lang. Doon na lang siguro ako mananatili buong araw para na rin malibang ako kahit papaano.

Hindi ko alam kung bakit parang mas tumamlay ako dahil lang sa iniwasan ko si Sylvester. Hindi na rin naman na siya tumatawag at nagpapadala ng mga mensahe kaya baka wala rin naman siyang pakialam sa akin.

Humilig ako sa pader habang tinitignan sila Felly na kumakain. Narito kami sa dulo ng canteen dahil manlilibre si Harold. Sinama na nila ako para daw hindi ako nagmumukmok sa silid. Kinakantyaw pa nila ako na sobra naman daw itong pananabik ko sa kung sino.

Bakit hindi nila masabing si Atheo?

"Ang gwapo ni Syl!" ani Laila na nakatingin sa phone niya. "Ay, may kasamang babae? Sino ito?"

Tinignan ko lang sila, naghihintay sa susunod nilang sasabihin sa akin.

"My little evil conyo baby girl, I'm gonna miss you so you better kiss me before I went back to my planet!" binasa pa ni Laila ang nakasulat sa post ni Sylvester.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at pinilit na lang ang sariling kumain. Mukhang masaya naman pala siya sa Maynila, bakit pa siya babalik dito sa Basco? May baby girl pa nga siya. Mabuti pang doon na lang siya sa Maynila, mas nababagay siya roon kaysa rito sa amin.

Napabuntong-hininga ako habang sinusubukang kalmahin ang sariling emosyon.

Inangat ko ang tingin ko dahil sa biglang pagtahimik nila. Nakatingin sila sa akin habang si Alan naman ay nakaawang pa ang labi at kumukurap-kurap.

Kumunot ang aking noo.

"Bakit?"

"W-Wala..." naiilang na sabi ni Laila. "Pinsan lang pala ni Syl, akala ko jowa!"

Napatango lang ako.

Pinsan niya 'yon? Ganoon siya kalambing sa pinsan niya? Ang bait naman pala niya kung ganoon. Napakaswerte ng taong magugustuhan ni Sylvester. Maintindihin ang taong 'yon at mapagpasensya. Mabait pa at maaalalahanin.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako sa bahay. Hindi ako pinansin ni Nanay, hindi ko rin nakita si Uncle Julio kaya pumasok muna ako sa aking silid para makapagbihis. Iyon ang gagawin ko bago ko tulungan si Nanay sa labas.

"Julio!" rinig kong sigaw ni Nanay sa labas.

Nakaramdam ako ng takot kaya mabilis kong sinarado ang pinto pati na rin ang bintana. Pinakiramdaman ko ang mga nangyayari sa labas at nais ko rin alamin kung bakit parang galit si Nanay.

"Lasing ka na naman?!" sabi pa ni Nanay. "Ano ba naman 'yan, Julio?!"

"Huwag kang maingay, Nelia! Nakakarindi 'yang bunganga mong putak nang putak!" sigaw pabalik ni Uncle Julio.

Isinandal ko ang sarili ko sa likuran ng pinto. Nanginginig ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko mawari kung bakit natatakot at kinakabahan ako kung gayong wala naman akong ginagawang masama.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now