Kabanata 17

18.8K 586 183
                                    

Kabanata 17

Sulat

Dinala ako ni Sylvester sa mismong mansyon niya. Tulala pa rin ako habang pinapakiramdaman ang bawat kilos niya. Ni kahit isang salita ay walang nakatakas sa aking bibig na tikom pa rin hanggang ngayon.

"We'll do everything to save your mom," bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung kaya pa bang maligtas si Nanay dahil base sa itsura niya kanina ay tingin ko hindi na. Wala na siyang malay, halos mamutla na si Nanay dahil sa mga dugong nawala sa kaniya.

Ako ang may kasalanan.

Ibabaon ko sana ulit ang aking mga kuko sa balat ko ngunit naramdaman ko na kaagad ang mga kamay ni Sylvester na nakahawak sa akin. Pagod ko siyang tinignan pero mas nanghina lang ako dahil sa kalungkutan na nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"Kailangan mong magbihis..." aniya sa akin.

Hindi ako kumilos. Nanatili lang akong nakaupo habang nakatingin sa kaniya. Lumandas muli ang iilang luha sa aking mga pisngi na mabilis naman niyang pinunasan na para bang napaghandaan niya iyon.

Ipinasok ako ni Sylvester sa isang banyo. Nababalutan ito ng itim na marmol at kahit saan ko tignan ay malinis talaga ang buong lugar. Marurungisan ko ito dahil sa marumi kong ayos ngayon.

Binuksan ko ang shower at dinama ang bawat tubig na nanggagaling dito. Masarap iyon sa aking balat lalo na nang tumama ito sa aking mga sugat sa braso.

Napatingin ako sa aking sarili. Ang mga dugo sa aking kamay ay unti-unting nawawala dahil sa tubig. Umaagos ito ngayon at muling nanumbalik ang alaala ni Nanay na nakahandusay at wala nang buhay.

Ang ginawang pangbababoy ni Uncle Julio, ang bawat kabastusang ginawa niya sa katawan ko kanina ay para bang naramdaman ko ulit. Nakakatakot, nakakakilabot!

Bumagsak ako sa lapag na naging dahilan para madikit sa aking balat ang malamig na marmol. Napaiyak ako sa sakit, takot, at lungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Umiyak lang ako nang umiyak habang paulit-ulit kong hinahampas ang sarili. Kung minsan pa ay iniuuntog ko ang aking ulo sa aking sinasandalang marmol baka sakaling makalimutan ko ang lahat ng mga alaalang iyon.

Marahas ang ginagawa kong pagpunas sa aking mga balat baka sakaling matanggal ang mga paraan ng paghawak sa akin ni Uncle Julio. Ang tagpong iyon ay ang naging dahilan kung bakit nayurakan ang buong pagkatao ko.

Kaagad na bumukas ang pinto ng banyo. Bumungad sa akin si Sylvester at mabilis niya akong dinaluhan para pigilan sa aking ginagawa. Mahigpit niya akong niyakap habang pumipiglas pa rin ako sa kaniya.

"Tama na, Nep!" nagmamakaawang sabi niya kaya awtomatiko akong nanghina.

Ang marinig si Sylvester gamit ang ganoong tono ay hindi ko kaya. Mas lalo akong nanghihina.

"S-Syl..." umiiyak kong sabi yakap sa kaniya.

Wala pa rin siyang suot na pang itaas. May bahid din ng dugo ang kaniyang katawan pati na rin ang kaniyang mga kamay siguro dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin kanina.

Hinarap niya ako at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para magtagpo ang aming mga titig.

"I won't leave you..." mariing sabi niya habang nakatingin sa akin.

Mas naiyak lang ako pero ilang beses akong tumango. Ang sunod kong nalaman ay niyakap ko siya sa kaniyang leeg. Umiyak ako sa pagitan ng kaniyang leeg at balikat habang siya ay hinahaplos ang aking likuran, pinapatahan ako.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon