Kabanata 16

18.1K 572 135
                                    

Late ang update kasi galing akong concert ng iKON. Sorry na kaagad. Hehe. Pero double update naman. ENJOY READING!

WARNING: SPG (Karahasan at Sekswal) You have been warned!



Kabanata 16

Kasalanan

Pagkahatid sa akin ni Sylvester ay mabilis din siyang umalis. Ni hindi kami magkatinginan kaninang dalawa habang nasa loob kami ng sasakyan niya niya. Hanggang sa makababa na ako ay hindi pa rin kami nag-imikan, tahimik lang akong tumango bago ko nilisan ang sasakyan.

Tahimik at malamig ang buong bahay. Nakaramdam ako ng kakaibang takot at kaba dahil kahit si Nanay ay hindi ko mahanap kung saan. Sa huli ay napagpasyahan kong magkulong na lang sa kwarto para makaligo at makapagbihis na. Basa pa rin ako dahil sa naging pag-ulan kanina, baka magkaroon pa ako ng sakit kung hindi pa ako magpapalit.

Isinarado ko ang bintana at pinto ng aking silid. Madilim na rin sa labas kaya baka mauna na ako sa pagtulog. Baka may pinuntahan lang sila Nanay at Uncle Julio kaya wala pa sila rito.

Ang plano kong matulog ay hindi ko maituloy. Binabagabag ako ng memorya ni Sylvester habang magkausap kami sa gitna ng ulan. Tumatak ito sa aking isipan, ang hirap lang alisin dahil hindi ko iyon inaasahan.

Naluha siya kanina habang kinakausap ako, nagmamakaawa na huwag ko na siyang iwasan. Hindi naging madali para sa akin ang tagpong iyon. Kahit gaano ko kagustong iwasan siya ay tila ba isa akong bangka na naglalayag sa gitna ng dagat habang dinadala ako ng alon patungo sa kaniya. Sa kaniya pa rin.

Ang dating ruta ng bangka na dapat pabalik sa dating isla ay nagtungo sa panibagong isla. Isang isla kung saan mas malaya akong naipapahayag ang tunay na ako kaysa sa nakasanayan sa dating isla na patuloy akong nagtatago sa isang maskarang ako mismo ang bumuo.

Napabangon ako sa aking hinihigaan nang marinig ko ang galabog sa labas. May pumasok sa aming pinto at narinig ko kaagad ang boses ni Uncle Julio.

"Neptune!" sigaw niya na naging dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.

Kaagad akong nahirapan sa paghinga dahil sa takot na dulot ng boses at presensya ni Uncle Julio. Nakainom na naman siya at natitiyak kong may pinaplano siyang hindi maganda.

Siniksik ko ang aking sarili sa isang sulok kalapit ng aking tukador. Pilit kong ipinagkakasya ang sarili ko roon habang pinapakinggan ang mga nangyayari sa labas.

Patay ang ilaw sa aking silid. Nanginginig ako habang yakap ang aking mga tuhod. Mas nanginig lang ako sa takot nang may humapas sa aking pinto mula sa labas.

"Buksan mo 'to!" sigaw niya pa habang patuloy itong hinahampas.

Mariin akong napapikit at ilang beses na nagdasal na sana'y hindi magtagumpay si Uncle Julio sa nais niyang gawin.

"Matigas ang ulo mo, ah?! Sisirain ko 'to!"

Mas siniksik ko ang aking sarili habang titig na titig sa likuran ng pinto. Batid kong sinisipa na iyon ni Uncle Julio kaya lumilikha ito ng malakas na ingay.

Naiyak ako sa takot, nanginig at hindi malaman ang gagawin. Hindi ako makakalma sa mga nangyayari lalo na't nakikita kong malapit nang masira ang pinto.

Tumambad sa akin si Uncle Julio na may hawak na silang patalim. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt at magulo ang kaniyang mga buhok. Pawis ang kaniyang mukha habang namumula ang mga nanlilisik niyang mga mata.

"Neptune!" sigaw niya habang sinusuri ang buong silid, hinahanap ako.

Nang tumama ang tingin sa akin ni Uncle Julio ay kaagad niya akong hinatak sa buhok at malakas na ibinalibag sa aking higaan.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now