Kabanata 6

23.2K 636 183
                                    

I unpublished the original copy kasi ang daming typos. Sorry for that, naging abala lang ako sa exo 'cause dmumt is finally out! Let's stream!

Kabanata 6

Ellington

Mabilis pa sa alas kwarto ang naging pagbangon ko sa aking higaan dahil sa malakas na kalabog na nanggagaling sa pinto ng aking silid.

Kaagad ko itong binuksan at bumungad si Nanay na may hawak na mga damit. Pasimple akong tumingin sa orasan at doon ko nakitang halos alas kwatro pa nga lang talaga nang umaga.

"Labhan mo ang mga ito para naman may silbi ka riyan at hindi puro tulog!" mariing sabi niya, sinusubukang hindi sumigaw marahil ayaw magising si Uncle Julio.

Ibinato niya sa akin ang mga labada. Masama pa ang titig sa akin ni Nanay bago siya muling nagsalita.

"Maghanda ka na rin nang umagahan, ha?! Huwag kang babagal-bagal, Neptune! Baka isunod kita sa ama mong bobo!" sabi niya na may halong pagbabanta.

Malaki talaga ang galit ni Nanay sa ama ko dahil nang mabuntis siya nito ay totoo namang pinanagutan siya hanggang sa isilang niya ako.
Ngunit nang namatay ito, walang ipinamana kaysa isa sa kaniya. Dalawang taon ata ako noong namatay ang ama ko, simula no'n ay galit na sa akin si Nanay. Aniya'y malas daw ako dahil bobo ang ama ko.

Hindi ko alam kung bakit Neptune ang ipinangalan sa akin ni Papa pero nagpapasalamat ako dahil maganda at kakaiba ito.

Mapait akong ngumiti bago sinikop ang mga buhok para maitali.

Pumunta na kaagad ako sa batis malapit sa amin at nagdala pa ako ng lampara dahil medyo madilim pa sa labas. Hindi na rin ako nag-ayos pa ng aking suot dahil maglalaba lang naman ako.

6am ang punta ko sa palengke para panandaliang magbenta roon, 10am naman ang oras ng klase ko hanggang 5pm. Mahaba ang oras ko para sa paghahanda. Bibilisan ko na lang ang paglalaba dahil hindi rin naman ito karamihan.

Nang matapos akong maglaba ay maliwanag na. Nagmadali na ako para maisampay ang mga ito at para na rin makapagluto ng almusal nila.

Lumabas si Uncle Julio at masama ang naging tingin sa akin. Umiwas lang ako at tahimik na nilagyan siya ng pinggan sa kaniyang harapan pati na rin sa uupuan ni Nanay.

"Tapos ka na, Neptune?" tanong ni Nanay.

"Opo..."

Napahinto pa ako dahil sa biglaang pag-upo niya sa kaniyang pwesto. Tinignan niya ako at pinandilatan ng mga mata.

"Ano pang hinihintay mo riyan? Umalis ka na at pumasok sa trabaho mo!" inis niyang sabi at inikutan pa ako ng mga mata. "Tumigil ka na kasi sa pag-aaral at magtrabaho ka na lang! Ano bang makukuha mo sa eskwelahan? Bobo ka pa rin naman!"

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpanggap na para bang walang narinig hanggang sa nakapasok ako sa aking silid. Nagkulong ako sandali roon bago ako nagtungo sa banyo. Ito ang ipinagpapasalamat ko dahil dalawa ang banyo rito sa amin. Isa sa silid ko at isa naman sa labas na sila Nanay ang gumagamit.

Maliit lang ang bawat paliguan kaya wala kaming pupwestuhan para sa paglalaba. Sa batis na lang tuloy ako naglalaba, libre pa ang tubig at mas malaki ang espasyo. Sandali pa akong nalalayo sa bahay namin.

Simpleng damit lang ang isinuot ko at binaon na lang ang damit kong pamasok.

Hindi na ako nagpaalam pa sa kanila dahil abala silang kumakain. Mapapagalitan na naman ako sa oras na maistorbo ko silang dalawa.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now