Kabanata 11

19K 549 55
                                    

This is the last update for TODAY. Bukas ulit. Thank you!

Kabanata 11

Salamat

Matapos nang masasayang tagpo sa Argonza ay nagpasya na silang umuwi. Si Felly ay sasabay kila Alan dahil pareho sila ng rutang dadaanan. Ako naman ay hindi ko alam kung sinong makakasabay. Pwede naman siguro akong sumakay sa tricycle.

"Ingat ka pauwi, Nep!" sabi pa ni Felly habang kumakaway sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Naiwanan ako at si Sylvester kasama ang mga kaibigan niyang taga Maynila.

"Hop in, Neptune!" pag-aya ni Venom sa akin, nakangiti pa habang nasa loob na ng sasakyan.

"Ihahatid ka na namin sa inyo. Don't worry, we're not a bad guys!" natatawang sabi naman ni Zarachiel.

"Uh... baka kasi mapalayo kayo?" nag-aalangan kong sagot.

"It's okay. Ako ang nagpaalam sa'yo kaya ako na rin ang maghahatid," si Sylvester.

Sa huli ay sumama ako sa kanila. Sa likod ako umupo katabi si Sylvester habang si Venom ang nagmamaneho, nasa unahang upuan naman si Zarachiel.

Pinaliwanag ni Sylvester kay Venom ang daan papunta sa bahay namin. Parang batang masunurin si Venom na tumatango habang nakikinig sa kaibigan.

Tahimik lang akong nakaupo, sila naman ay nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari kanina at kung minsan pa ay may pinag-uusapan silang may kinalaman sa Maynila.

Nakakamangha ang buong sasakyan lalo na ang bakal na disenyo sa likuran ng upuan nila Zarachiel. Buo at malaki ang bakal na iyon, ani Venom ay pinasadya pa raw niya ito.

Sa likuran naman ng sasakayan malapit sa amin ay may iilang baseball bat, dinala raw talaga niya iyon dito dahil may balak silang maglaro bukas nila Sylvester.

"Ano na ngang grade ni Hell ngayon?" tanong ni Venom.

"She's in grade ten," ani Zarachiel. "Popormahan mo? Si Cygnus ang crush no'n!"

"Tss, pakialam ko sa crush niya? May ibang crush si Cygnus!" giit naman ni Venom at nagpatuloy sila sa pag-aasaran.

Kung ako ang tatanungin ay totoong magagandang lalaki ang tatlong ito. Mas maamo lang ang dating ni Zarachiel kung ikukumpara ko kila Sylvester at Venom na parehong mukhang seryoso. si Zarachiel din ang mas madalas na ngumiti, makulit naman si Venom habang si Sylvester ay palihim lang na nakikisali sa kanila.

Malapit ko na talagang isipin na maraming ganitong klase ng itsura sa Maynila.

Napasulyap ako kay Sylvester na nakasandal sa kaniyang kinauupuan at nakapikit na. Natutulog na yata siya kaya naman humilig na lang ako sa gilid at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

Malalim na ang gabi at hindi ko alam kung pagagalitan ba ako kapag nakauwi na ako o hindi. Sana lang ay hindi na ako pagalitan, wala naman akong ginawang masama.

Maya-maya pa ay natahimik na ang lahat. Natutulog na rin si Zarachiel dahil pare-pareho silang nakainom. Iyon ata ang dahilan kung bakit pati si Sylvester ay mahimbing na ang tulog.

Bumibigat na ang aking talukap kaya nang napasandal ako sa kinauupuan ay nilamon na kaagad ako ng antok. Iidlip lang ako at gigising din para magturo ng direksyon kay Venom kapag hindi niya na alam ang susunod na pupuntahan.

Nagising ako dahil sa isang malakas na pagkakahatak sa akin at mahigpit akong niyakap. Kasunod no'n ang malakas na paghampas namin kung saan. May narinig akong isang kalampag na parang may tumama sa isang matigas na bagay.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now