Kabanata 5

25.5K 691 186
                                    

Para sa mga naguguluhan, Grade 10 pa lang si Hell dito sa timeline ni Neptune. Bali kinasal siya kay Sylvester (kaya may divorce sa simula) noong Grade 12 na si Hell, college naman si Neptune.

Ask me for more questions. Thank you!

Kabanata 5

Cut

Marahan ang pagbagsak ng mga pawis sa aking sentido habang tinatahak ang daan papunta sa aking eskwelahan na papasukan. Tirik na tirik ang araw at mahapdi ang dulot nito sa aking balat na ngayon ay namumula na.

Isang buwan na rin simula nang nagsimula ang pasukan para sa aming senior high. Huling taon na namin ito at sa susunod ay kolehiyo na kami. Nais ko sanang sa Maynila mag-aral para sa kolehiyo pero alam kong hindi iyon papayagan ni Nanay.

Nakita ko kaagad si Atheo na inaabangan ako sa labas ng gate. Maganda pa ang kaniyang ngiti habang kinakawayan ako.

Tinago ko ang aking braso bago ako lumapit sa kaniya. "Kanina ka pa ba?"

Mabilis siyang umiling. "Sakto lang, hinintay talaga kita."

Hindi hamak na mas matanda sa akin si Atheo. Nasa unang baitang na sa kolehiyo si Atheo sa parehong paaralan na pinapasukan ko. Siguro'y nagtitiis lang dito kahit pa kulang-kulang kami sa mga kagamitan. Ayos lang din naman na dito mag-aral pero iba talaga kung sa Maynila.

Hinatid lang ako ni Atheo sa classroom ko bago siya umalis para pumunta sa klase niya. Inasar pa ako ni Felly  dahil nakita niyang magkasama kami ni Atheo.

Nobyo ko si Atheo simula pa noong Grade 10 ako. Ang bata ko pa noon pero hindi naman iyon naging hadlang para tumagal kaning dalawa. Ilang taon na rin kaming may relasyon at tingin ko'y mas magtatagal pa kami.

"Uy, nakita ko 'yong crush ko kanina!" ani Felly at halata sa kaniyang itsura't tinig na kinikilig siya.

"Sino ba 'yon?" tanong ko.

Ngumuso siya at hinampas pa ako sa gilid ng aking braso. "Puro si Atheo na lang ba ang gwapo sa paningin mo kaya hindi ka na nakakatingin sa ibang lalaki na mas gwapo?!"

Umiling lang ako.

"Bakit pa ako titingin sa iba kung may Atheo na ako?"

Totoo naman. Si Atheo lang ang gusto ko kaya wala na akong panahon para sa ibang lalaki. Tapat siya sa akin kaya dapat ay ako rin.

"Nakakawalang gana ka naman, Nep! Titingin ka lang naman, hindi manlalalaki! Ayos lang naman na may humanga dahil sa pisikal na anyo,"

Ayoko pa rin. Ako nga ay ayaw kong may ibang tumitingin kay Atheo na para bang pinagnanasahan siya tapos gagawin ko sa iba? Hindi naman ata tama iyon kaya hindi ko gagawin. At isa pa, ayokong may pagtalunan pa kaming dalawa ni Atheo lalo na ngayong abala siya sa kolehiyo.

"Ang tagal na kaya ni Sylvester dito, Grade 9 ata ako noong una ko siyang nakita. Biruin mo? Kada may oras siguro ang isang 'yan ay lumuluwas dito sa probinsya para lang magbakasyon!" nakangising dagdag pa ni Felly.

"Hindi ko talaga kilala," simpleng sabi ko kaya inirapan niya na lang ako.

Sumapit ang break time kaya mabilis kaming bumaba ni Felly. Hindi naman ako nagmamadali pero siya gustong mauna ni Felly sa pila para daw sa tapat ng court kami makakain.

"Ano bang meron doon?" tanong ko habang bitbit ang isang tinapay at ang boteng may laman na tubig na binaon ko pa galing sa bahay.

Umupo kami sa pwestong gusto niya. Sandali ko pang inayos ang itim kong palda na kanina'y apektado sa hangin. Pinantay ko ang aking kwelyong tumabingi kanina bago ko sinilip ang tinitignan ni Felly

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now