Kabanata 21

20.8K 584 78
                                    

Kabanata 21

Sorry



"Syl..." nakabihis na ako at medyo nilalamig pa pero si Sylvester ay nanatiling tahimik.

Sa sobrang kahihiyan ay hindi na ako muling nakapagsalita pa. Nanahimik na lang din ako hanggang sa makauwi kaming dalawa sa aming tahanan.

Nang makauwi kami ay pareho kaming dumiretso sa kwarto na tutulugan namin pero napansin kong kumuha lang siya ng damit niya at mukhang aalis siya para pumunta sa kabilang kwarto.

Nang makalabas siya ay mabilis akong naligo para makapagpalit ng damit pang tulog. Hindi na ako nagdalawang isip na suklayin ang buhok ko, lumabas na ako kaagad para puntahan siya sa kwarto kung saan niya balag matulog.

Binuksan ko ang pinto na katabi lang ng mismong kwarto namin. Hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko siyang nakatayo malapit sa teresita nito, may hawak na bote ng alak.

Lumakad ako papalapit sa kaniya. Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya mula sa likuran kahit na halos manindig ang aking mga balahibo dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Madilim na ang buong kalangitan, madaling araw na ngunit mukhang walang balak matulog si Sylvester.

Umikot si Sylvester para maharap ako. Hindi ko makita ang kaniyang itsura dahil nakabaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib ngayon. Hindi ko maiwasang mangamba kasi alam kong may pagkakamali akong ginawa. Hindi ko naman inaakalang masasambit ko iyon nang ganoon kalakas.

"G-galit ka ba?" tanong ko habang nakayakap sa kaniya.

Narinig ko ang paglapag niya ng bote sa gilid. Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang baba sa aking ulo.

"It's okay, Nep." buo ang kaniyang boses nang sabihin niya ito. "I know that you still love him-"

Humiwalay ako sa kaniya na naging dahilan para hindi niya matapos ang kaniyang nais sabihin.

"H-hindi sa gano'n, Syl!" maagap kong sabi. "H-hindi ko na siya mahal..."

Lumambot ang kaniyang mga tingin sa akin. Para bang nasasaktan pa rin siya pero pinipilit niyang pigilan ito. Nanakit ang aking dibdib dahil sa kaniyang itsura, halatang malungkot at nasasaktan.

Nasaktan ko si Sylvester.

"I'm fine. You don't have to worry anything," pilit at tipid ang naging kaniyang pag ngiti sa akin bago niya ako hinawakan sa kamay.

"Matulog na tayo," aniya sabay hatak sa akin papunta sa higaan.

Tahimik kaming humiga roon at unti-unti na rin akong nilamon ng antok.

Kinabukasan nang umaga ay batid kong inaantok pa ako kaya nanatili akong nakahiga at kinapa ang aking tabi. Doon ako tuluyang nagising dahil wala si Sylvester sa tabi ko. Umupo ako para sandaling kusutin ang aking mga mata bago nagtungo papalabas ng kwarto.

Dumireto ako baba para hanapin si Sylvester. Nakita ko siya mula sa bintana, nakatayo lamang siya sa hardin at hindi ko alam kung saan siya nakatingin.

Pinuntahan ko siya ngunit hindi ako tuluyang lumapit. May buhat siyang maliit na aso at mahimbing ang pagkakatulog nito sa kaniyang mga braso. Wala sa aso ang paningin ni Sylvester, nakatulala lang siya at para bang malalim ang iniisip.

"Syl," marahang tawag ko sa kaniya.

Matagal bago niya ako tinapunan ng tingin. Nginitian niya pa ako at inilahad ang aso sa akin. Gulat ko itong tinignan, napapitlag ako nang gumalaw ito at unti-unting nagdilat ng kaniyang mata.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now