Kabanata 4

24.4K 772 210
                                    

Kabanata 4

City


Buong biyahe ay tahimik ako. Hindi rin naman nagsasalita si Sylvester pero kung minsan ay nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin. Maybe he was just checking if I'm sleeping? I don't think I can do that right now. Masyado akong tensyunado dahil siya ang kasama ko.

Hirap pa rin akong kalimutan ang mga sinabi niya kanina. He insulted me face to face! The hell, he knew me better than that and I couldn't believe that he could actually say that thing to me.

Maayos naman ang huli naming pagkikita. He even kissed me and then what? Hindi na lang siya umuwi at makalipas ang ilang buwan ay may ipapadala siyang nga papeles nang hindi man lang nagpapaliwanag sa akin?

Nang makita ko na ang bungad ng Argonza ay mabilis na akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay pa dahil baka uminit na naman ang aking ulo.

Sinalubong ako ng mga nakakasilaw na ilaw na may iba't ibang klase ng kulay. Malakas at gumuguhit sa aking tainga ang bawat kalabit na ginagawa ng banda sa kanilang mga ginagamit na instrumento. Idagdag pa ang boses ng kanilang bokalisto na tila ba nagwawala sa gitna ng entablado.

Hinanap ko kaagad sila Felly, namataan ko sila sa hindi kalayuang pwesto mula sa akin. Marami sila ro'n at puro kakilala ko rin. Mga batch mates ko noong high school ang iba, 'yong iba naman ay nakilala lang dahil iisang paaralan ang pinapasukan.

"Planeta!" bati ni Harold sabay kaway sa akin.

Walo silang naririto, tatlong babae at limang lalaki. Magiging sampu sa oras na dumagdag kami ni Sylvester.

"Kamusta ka na?" tanong ni Laila sa akin.

Pinaupo ako ni Felly sa tabi niya at inalok pa ng makakakain. Malugod ko itong tinanggap at nginitian pa silang lahat.

"Ayos lang,"

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa dumating si Sylvester. Nakatali ang kaniyang mahabang buhok habang ang kaniyang mukha ay seryoso.

Sa tuwing matatamaan siya ng makukulay na ilaw ay hindi ko maiwasang mamangha. He is indeed a beautiful man. No doubt about that. People would probably chase after him with that kind of face and aura.

Ethereal.

"Sylvester!" patiling sabi ni Emma kaya naman lahat sila ay kaniya-kaniya na ang paglapit sa asawa ko.

Asawa ko pa rin 'yan, hindi pa kami naghihiwalay.

"Totoo pala talagang umuwi na?" bulong ni Felly kaya tumango lang ako.

Hindi ko naman lolokohin si Felly tungkol sa bagay na 'yan. Inaabangan ko rin naman talaga ang pagdating ni Sylvester noon pa man kahit na minsan ay nawawala na talaga ako ng pag-asa na uuwi siya.

But he did! The only thing is, he went home for me to sign the divorce papers and not to be with me.

"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ni Alan sa kaniyang kaibigan.

Magkakaibigan kaming lahat. Si Sylvester ay mas matanda sa akin ng dalawang taon. Nakilala namin siya dahil magkakasama kami sa iisang baryo at madalas sila kung maglaro sa dalampasigan. Crush pa nga siya noon ni Felly dahil mabait at gwapo kahit lumaki sa marangyang buhay.

"Noong nakaraang buwan pa," sabi niya sabay ngisi at umupo sa tapat ko.

Sandali kaming nagkatitigan, siya ang unang umiwas kaya napairap na lang ako bago ko binalingan ng tingin si Felly.

"Ang gwapo talaga ni Sylvester pero galit ako sa kaniya!" bulong ng aking kaibigan. "Grabe, Nep! Mas masarap pala siyang tignan sa ganiyang buhok, ano?"

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now