Kabanata 38 (Sylvester's Point of View)

17.7K 565 60
                                    

Kabanata 38 (Sylvester's POV)

T H R E E

Years have passed and I haven't seen Neptune since the last time I went to Basco. They're caging me here in the US, still forcing me to take the goddamn operation. My decision is absolute, I won't change it. Kung mamamatay ako, mamamatay ako.

Noong umalis ako ay hindi maganda ang lagay nang isa kong pinsan, si Helliona. She lost most of her memories and that's not a good thing. She's suffering. Wala man lang akong magawa para damayan ang pinsan ko.

"Kailan ka uuwi?" Leader asked through a video call.

Nagkibit ako ng aking balikat. "Ikaw? Kailan mo malalaman na anak mo 'yon?"

His eyebrows furrowed. "I'm scared, you know... Paano kung hindi ko pala anak 'yon at assuming lang tayo?"

"Bakit tayo? Ikaw lang!" natatawa ko pang sabi.

"Well, as long as she's Dea's daughter, I have no say on that. I will love the child like my own–"

"Hindi mo nga malapitan 'yong Desdemona,"

May naanakan itong pinsan ko last two or three years ago. Huli kong balita sa bata ay nasa tatlong taon pa lang iyon. She's a kindergarten, sa paaralan ko pumapasok. I don't really know anything about Leader and that girl but the thing is, nabuntis niya. He doesn't have a single fuck in his airhead that he's now a father!

Kung nabuntis ko lang si Neptune noon, baka nabaliw na ako kakaisip sa magiging hinaharap nila. Imagine, I am going to be a father and at the same time, I am dying too. Paano ko na lang makikita kung paano lumaki ang magiging anak namin ni Neptune? Hindi ko yata kakayanin iyon.

But I really want to build a family with her. I want a baby girl pero alam kong magiging masakit sa ulo. Her mother is a goddess and I'm sure that she's going to be like her. Dapat marami siyang kapatid na lalaki para may taga suntok sa mga manliligaw niya.

Wala sa sarili akong napangiti kaya inasar ako ni Leader na binabaan ko na lang ng tawag. If that kid is my pamangkin, he's a real asshole. Iniisip ko pa lang na walang kinilalang ama ang pamangkin ko ay nasasaktan na ako, but that's not my story to tell.

I decided to go back to Philippines for a vacation. Gusto ko rin sanang bisitahin si Helliona para kamustahin ang lagay niya at pupunta na rin ako ng Basco para kay Neptune.

Helliona is doing fine. Hindi na nga siya maarte at conyo kaya sa tingin ko ay parang maganda pa ang epekto nang nangyari sa kaniya. But I know how hard it is for her to deal with everything.

"Sylvester, if you're going out, bring Kierra with you." Mommy said, she went here in the Philippines with me. Walang nakakaalam kahit isa sa mga relatives namin ang tungkol sa kondisyon ko. Lalaki kasi ang usaping ito kapag nalaman nilang lahat. Siguro ay sa susunod na lang kapag umayos na si Helliona.

Kierra is my personal nurse that my mom hired years ago. She's good and easy to be with, she's also married.

"You should quit this job, Kierra." pormal kong sabi sabay bumuntong-hininga.

Her husband is a licensed doctor and at the same time, a traveler. Naglalakbay sa iba't ibang lugar para makatulong sa iba, habang si Kierra naman ay isang registered nurse at ayon sa kaniya ay masaya naman ang relasyon nila.

"Okay, can I stay in your house in Basco for a few days?" pakiusap ko.

Malapit ang bahay nila Kierra sa bahay namin ni Neptune. Tanaw na tanaw ko pa siya kung doon muna ako mananatili. This is my main purpose anyway. I went home because I want to check her.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя