Kabanata 24

23.1K 761 86
                                    

Kabanata 24

Books

Naiwan ako sa gilid habang si Sylvester ay nakikipaghabulan kay Uno. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganiyan kasigla si Uno simula noong iniwanan kami ni Sylvester.

Uno loves Sylvester so much.

Tumunog ang phone ko kaya wala sa sarili ko itong kinuha para sagutin ang kung sino mang tumatawag.

"Hmm?"

"Hi, Mrs. Ellington?"

My brows furrowed.

Being called "Mrs. Ellington" feels weird right now. Well, I've been hearing it for almost six years already. Dapat masanay na ako dahil hangga't kasal kami, dadalhin ko ang apelyidong iyon.

"Yes?"

"Ma'am, si Cecille po ito, ngayon po darating 'yong mga libro na kailangan niyong pirmahan, additional copies po for Wounded. 500 copies po muna," aniya sa isang mababang tono.

I took a deep breath. I don't think I could sign those books with my trembling hands while staying with Sylvester. He's a pain in the ass! I'm not even sure if he knew that I am now a successful author. Imbis na maging guro ay naging manunulat ako. But I feel like a teacher too. I educate people through the use of my works and it's not just a plain story but a story with moral lessons.

"Do I have a deadline?" I asked.

"Three days po..." mahina niyang sabi na parang nag-aalinlangan.

Nalukot ang aking mukha dahil sa pinaghalong inis at gulat.

"What? 500 copies for three days? Do you guys want me to cut my hands off?" lito kong tanong.

It's tiring actually. Ayoko naman sanang magreklamo but thinking about dealing with ny husband and signing those books, napapagod na kaagad ako. Sa asawa ko pa nga lang ay nanghihina na ako! Saan ko pa ilulugar ang pagpirma?

Malapit na akong magkaroon ng trauma about signatures.

"M-ma'am-"

"Fine, Cecille. I'm sorry for my sudden outburst. I'll just call you back," mabilis kong sabi sabay baba ng tawag.

Napaayos ako sa aking puwesto nang umupo sa tabi ko si Sylvester. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa malayo, mukhang hindi pa napansing sa tabi ko siya umupo.

I wonder what's running inside his head. Is he okay? I mean, para kasing lumilipad ang kaniyang isipan sa hindi malaman na dahilan. Maybe he's thinking about our broken marriage? Thinking about the right time for me to sign those papers?

Nililipad ang iilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang mukha. Magulo na rin ang nakatali niyang buhok kaya may iilang nakatakas doon.

"Hey," tinapik ko ang kaniyang balikat.

Para siyang binalikan ng kaniyang kaluluwa. Gulat niya akong tinignan at kumukurap pa.

"Neptune?"

I raised my brows. What's with the confusion written all over his face?

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya habang siya ay kumukurap-kurap pa rin.

He's wondering! I could see it in his eyes. Hindi ko lang alam kung bakit ganiyan siya kung makatingin sa akin na para bang ngayon niya lang ulit ako nakita.

"Uh..." iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin. "I'm... tired,"

Tumango lang ako at sinipulan si Uno para lumapit sa amin. Dinamba niya kaagad si Sylvester na mukhang lutang pa rin habang dinidilaan siya ni Uno sa mukha.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now