Kabanata 12

19.1K 556 107
                                    

Chill muna tayo. Medyo sinasabaw ako.

Kabanata 12

Litrato



Magmula nang makausap ko si Atheo gamit ang phone ni Sylvester ay mas dumalas lang ang pagsama ko sa kanila. Madalas kung maglaro ng basketball sa school si Sylvester kasama sila Alan at kami naman ni Felly ay sina Emma ang nakakasama.

Inalam ko ang dahilan kung bakit si Sylvester ang tinatawagan ni Atheo imbis na ang telepono sa kanilang bahay. Ang alam ko kasi ay iyon ang sinabi niya sa akin kaya nagtataka ako kung bakit biglang naiba ang usapan namin.

"Kakilala ko si Sylvester," ani Atheo isang araw nang tanungin ko siya. "Malapit kasi sa amin ang lupain nila sa Tuguegarao, doon ko siya nakilala. Maganda ang trato ng pamilya nila kila Mama bago sila lumipat dito sa Basco para sumunod sa'kin,"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Kung ganoon ay matagal na silang magkakilala? Kailan ko lang nakita si Sylvester at hindi ko inaasahang magkakilala sila lalo na't hindi ko naman siya nakikitang kasama ni Atheo noon.

"Nakakahiya kay Syl, baka naabala na natin siya?" mahina kong tanong.

Pasimple kong sinulyapan si Sylvester na nagpapakain ng mga pusa. Nakaupo pa ito habang inaabutan sila ng pagkain. Nasa gilid kami ng palengke ngayon, dala niya ang kaniyang bisekleta at pinuntahan pa ako dahil lang sa tumawag si Atheo.

"Hindi naman, Nep. Pumayag naman siya at isa pa, wala rin naman daw siyang ginagawa."

Hindi naalis ang tingin ko kay Sylvester. Simula noong insidenteng nangyari sa amin noon ay mas naging seryoso siya. Matagal naman na siyang seryoso pero kahit papaano ay nakakausap pa rin naman.

"Miss ko na mga yakap mo," biglang sabi ni Atheo kaya napangiti ako.

"Ako rin naman..." kung hindi ka umalis baka walang minuto tayong hindi nagyayakapan. Kahit gaano pa katagal na yakap ang gusto mo ay gagawin ko ang kaso lang ay malayo ka rito.

"Magapagawa nga ako ng unan at mukha mo ang ilalagay ko," natatawa niyang sabi. "Para naman may mayakap at mahalikan ako sa tuwing namimiss kita rito,"

Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang ngumiti. Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang buhok kong minsan ay humahaplos sa aking mukha. Inayos ko muna iyon at inilagay sa likuran ng aking tainga.

"Sira! Nakakahiya naman 'yon?"

"Anong nakakahiya? Girlfriend kita, Neptune. Hindi kita ikakahiya, ipagsisigawan ko pa para mainggit sila dahil akin ka." mariing sabi ni Atheo sa kabilang linya.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. "Ang kulit mo talaga..."

"Uh-huh..." paos siyang tumawa, narinig ko pa siyang bumuntong-hininga. "Nababaliw na yata ako sa'yo, Nep..."

Nahagip ng mga mata ko ang pagtayo ni Sylvester. Napatitig ako sa kaniyang katawan habang siya ay unti-unting naglalakad papalapit sa akin.

Pakiramdam ko ay biglang nagkaroon ng mga kabayo sa aking dibdib at nag-uunahan sa pagtakbo para makarating sa dulo. Nanlambot ang aking mga tuhod kaya naman ginawa kong pang suporta ang kahoy sa aking gilid para doon humawak.

Hindi ko alam kung bakit lagi akong nagkakaganito sa tuwing nariyan siya. Ganoon ba kalakas ang presensya niya para sa akin kaya naiilang ako nang ganito?

"Nababaliw na rin yata ako..." wala sa sariling bulong ko.

Ilang beses kaming nagkikita ni Sylvester sa isang linggo dahil phone niya ang ginagamit ko. Minsan nga ay naiisip kong huwag na lang para hindi siya maabala pero sa tuwing pipigilan ko siya ay sasamaan niya ako ng tingin.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now