Kabanata 18

19.4K 595 278
                                    

Kabanata 18

Akala


Mag-iilang araw na simula nang mawala si Nanay. Pinasunog ko ang bangkay niya para sana maitago ang kaniyang abo ngunit naisip kong ibuhos na lang ito sa karagatan. Sa ganoong paraan ay sana mapawi ang bawat lungkot at pagsisisi na dinadala niya.

Ang mga abong pinakawalan ko ay malayang sumasabay sa agos ng mga alon. Tinatangay ito papunta kung saan. Sana ay ganoon din ang mangyari kay Nanay. Ang maging malaya sa mga kasalanang nagawa niya para lang protektahan ako.

Si Uncle Julio ay dinala na sa kulungan. Napatawan siya nang habang buhay na pagkakakulong. Hindi ko siya hinarap dahil natatakot pa rin ako sa kaniya. Ang sabi nila ay positibo siya sa pinagbabawal na gamot at hindi ko alam na magagawa iyon ni Uncle Julio.

Ang akala ko kasi ay mahal niya si Nanay. Tanggap ko na noon na hindi niya ako mamahalin bilang isang anak niya at hinayaan ko na lang ito. Gusto ko lang naman na maalagaan niya si Nanay kahit wala ako.

"Nep, dumidilim na. Umuwi na tayo," rinig kong sabi ni Sylvester na nandito na pala sa tabi ko.

Nandito kasi kami sa tapat ng dagat kung saan ko pinakawalan 'yong mga abo ni Nanay. Kung ako lang ang masusunod ay dito na lang ako nang sa gano'n ay marandaman kong muli si Nanay. Ngunit alam ko namang hindi iyon pwede.

Sa mansyon ako ni Sylvester ngayon nakatira. Hindi rin naman ako magtatagal doon pero siya ang may gusto na manatili na muna ako. Alam niya kasing hindi pa ako maayos lalo na't gabi-gabi kong napapanaginipan ang mga nangyari noong araw na 'yon.

Tumatak ito sa aking isipan. Nais sana ni Sylvester na magpatingin ako sa isang espesyalista pero tinanggihan ko. Tingin ko naman ay hindi ko kailangan iyon. Hindi naman ako nababaliw. Normal ako, hindi ko lang maiwasang matakot at malungkot. Mahirap itong alisin sa akin.

Sumunod ako kay Sylvester patungo sa kaniyang sasakyan. Hindi niya naman ako pinipilit na magsalita, tahimik lang siyang naghihintay sa mga ikikilos ko. Hinahayaan niya lang ako at ginagabayan.

Bigla ko tuloy naalala si Atheo. Hindi ko pa rin siya nakakausap marahil ay galit pa rin siya sa akin. Hindi nga niya yata alam ang nangyari sa akin. Wala yatang nakapagsabi sa kaniya nito.

Gusto ko na siyang makita. Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat. Gusto kong mag sumbong sa kaniya pero hindi ko magawa dahil wala siya rito. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin ay kung hindi siya galit, hindi naman niya sasagutin.

"Do you want to use my phone?" biglang tanong ni Sylvester sabay abot sa akin ng phone niya.

Kinuha ko lang iyon at nagtingin sa Facebook ni Sylvester. Naalala ko ang mga kaibigan namin na madalas din akong bisitahin kila Syl. Lalo na si Felly na halos araw-araw kung dumalaw dahil nag-aalala siya sa akin.

Hindi pa rin ako nakakapasok sa paaralan dahil wala pa ako sa tamang sarili ko. Hindi ko pa yata kayang pumasok at makihalubilo sa ibang tao.

"Tomorrow is your birthday, Nep. Anong gusto mong gawin?" tanong niya sa akin.

Umiling lang ako at nagkibit balikat dahil wala naman talaga akong plano. Gusto ko lang manatili sa loob ng silid na tinutuluyan ko at matulog buong hapon.

"What's your favorite flavor?" tanong niya pa ulit.

"Ube..." mahina kong tugon.

Ngumiti lang siya at tumango.

Habang tinitignan ko ang Facebook ni Sylvester ay kapansin-pansin ang mga nagbibigay ng mensahe sa kaniya pero hindi naman niya sinasagot pabalik. Ang dami nito at tingin ko ay wala siyang balak sagutin ang mga ito.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now