Kabanata 20

23.3K 626 153
                                    

Kabanata 20

Atheo



"This is our house," sabi ni Sylvester habang bitbit ang mga bagahe namin.

Lumipat kami ng tirahan dahil iyon ang gusto niya. Kailan ko lang nabalitaan na nagpapagawa pala siya ng bahay hindi kalayuan mula sa mansyon nila. Hindi hamak na mas tahimik dito pero malapit lang eskwelahan na pinapasukan ko noon.

Habang tinitignan ko ang kabuuan ng bahay ay naging abala naman siya sa pag-aayos ng mga gamit namin. Siya ang gumagawa sa lahat simula nang makasal kaming dalawa.

Dalawang buwan na kaming kasal at hindi kagaya nila, para bang mas nalayo ang loob sa akin ni Sylvester. Ayos lang din naman sa akin dahil kailangan ko ng katahimikan. Kailangan ko ng sapat na panahon para makalimutan ang mga sakit dulot ng kahapon.

Pumunta ako sa likuran ng bahay. May maliit na fish pond doon at may iilang maliliit na gold fish. Kapansin-pansin din ang mga iba't ibang halaman na nakapalibot sa buong bahay. Mayroon pang isang malaking upuan na kahoy at pwede itong gawing duyan dahil umuugoy ito.

Dalawang palapag ang bahay namin at talagang malaki para sa aming dalawa.

May maliit na hardin sa likuran, may nakapalibot na bakod at mga halaman sa buong bahay, may malaking garahe din sa gilid nito at ang bahay ay purong bato.

Nang pumasok ako sa loob ng bahay ay iba't ibang detalye at muwebles ang aking nakita. Sapatusan ang una kong nakita kung saan pwedeng ilagay ng mga bista ang kanilang mga sapatos kapag hinubad nila ito. Kasunod nito ay ang sala, may isang malaking itim na sofa at sa likuran no'n ay may malaking bintana na tanaw ang hardin. Mga iilang hakbang ang gagawin para makarating sa parte kung saan ang kainan, kasunod nito ay ang malaking kusina at kamangha-mangha na ang dami nang pagkain na nasa loob ng refrigerator. May isang palikuran din dito sa unang palapag.

"Why don't you go upstairs to check the rooms?" napatalon pa ako dahil sa biglang pagsasalita ni Sylvester.

"Ilan ang mga kwarto?" tanong ko habang naglalakad patungo sa hagdanan.

"Four," sabi niya.

Pag-akyat ko ay tumambad kaagad sa akin ang isang sofa sa gilid at iilang mga paso na may mga bulaklak.

"This is our room..." biglang sabi ni Sylvester na nasa likuran ko pala.

Binuksan niya ang isang pinto at tumambad sa akin ang kalinisan ng buong silid. May malaking kama at sa gilid nito ay may malaking bintana. May sofa rin dito sa loob at may dalawa pang pinto. Ang isa ay para sa banyo at ang isa ay ang lagayan ng aming mga damit.

"Are you fine with this?" tanong niya ulit.

"Oo, asawa naman kita, 'di ba?" hinarap ko siya at doon ko nakita ang mukha niyang wala man lang kahit anong emosyon na makikita.

Pagod akong nagbuga ng malalim na hinga bago ako pumunta sa kama para doon mahiga. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang tumatamang sinag ng araw sa aking mga balat na nagmumula sa aming bintana.

"Nep,"

"Hmm?"

"Felly wants to see us. Nasa Argonza sila mamaya," aniya kaya tumango lang ako.

Ang huling punta namin sa Argonza ay noong nakaraang buwan lang. Nagkabiruan pa nga kaming dalawa no'n tungkol sa pagpapakasal. Nalasing yata siya masyado na nakalimutan niyang kasal na kaming dalawa kaya tinatanong niya pa rin ang tungkol sa pagpapakasal ko sa kaniya habang naglalaro kami ng bowling.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें