Kabanata 30

26.5K 848 321
                                    

Kabanata 30

Videos

Nang magising ako ay ramdam ko pa ang pagkakahilo. Masakit ang aking ulo at parang gusto ko na lang bumalik sa pagtulog, dumagdag pa ang alaala tungkol sa pagkamatay ni Sylvester.

Is it real? I wish everything is just a prank. I don't know if I could deal with another pain while I am carrying our twins. Baka tuluyan na akong mabaliw nito.

Kaagad na uminit ang sulok ng aking mga mata. Kakagising ko lang ngunit umiiyak na naman ako. When will I stop crying?

"Nep..." rinig kong tawag ni Felly sa akin na nasa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko.

Tahimik akong humikbi habang nararamdaman ang hawak ni Felly sa kamay ko. Sa tuwing pipikit ako ay imahe ni Sylvester na walang buhay ang naalala ko. Ang katawan ni Sylvester na nakaratay habang sinusubukan siyang buhayin ng mga doctor.

"Nep, stop crying..." Felly whispered but my tears were pretty stubborn. Patuloy lang sila sa pagtulo mula sa aking mga mata.

Muli akong nakatulog sa kakaiyak. Hindi ko alam kung gaano ba kahaba ang itinulog ko pero ganoon pa rin ang aking nararamdaman. Nanghihina pa rin ako at hindi pa rin nakakalimot tungkol sa nangyari.

Nang lumingon ako sa gilid ay nakita ko ang ina ni Sylvester na inaayos ang maliit na mesa sa gilid. May mga prutas doon at iba pang kagamitan na hindi ko alam kung kanino nanggaling ang mga iyon.

"You're awake?" marahang tanong niya.

Umupo ako sa kama at sandaling natulala. She gave me a bowl of porridge so I could eat. I can't take any medicine since I am pregnant, it's not good for my health. Kailangan ko lang din kumain, para na rin sa mga anak ko.

"S-Si Sylvester po?" hindi ko napigilang tanong.

Nakita ko ang pag-iwas ng kaniyang tingin sa akin. Malalim ang naging paghinga niya bago niya ako sinagot.

"Think about yourself first, hija. Maselan ang ipinagbubuntis mo kaya dapat mas maging matatag ka. It's for your babies, ang mga apo ko." tipid niya akong nginitian.

How did they found out about my relationship with their son? As far as I could remember, Sylvester wanted to keep us a secret. Our marriage was a huge mistake and he's not proud of it...

"Paano niyo po nalaman 'yong tungkol sa amin ni Syl?" diretso kong tanong.

"He told it about us 6 years ago," she smiled. "At first, we couldn't believe it. I mean, he's still studying and the reason why he's in Basco were supposed to be a vacation only. Nagulat na lang kami nang hindi na siya umuuwi,"

Nagyuko ako ng tingin habang inaalala ang mga panahong hindi ako iniwanan ni Sylvester. Noon pa man ay ako na ang inuuna niya. Wala siyang ibang ginawa noon kung hindi ang damayan ako noon kahit pa hindi ko naman siya gaanong pinapansin.

I fell for him without even realizing that I did. I thought it was impossible to fall for someone like him but there is no point in using the word impossible to describe something that has clearly happened.

"Pero he insisted to stay. Through online na siya nag-aral hanggang sa nalaman namin ang tungkol sa accident. He seems normal that day..." mahina niyang sabi.

Iyon din ang inakala ko. He looks normal! Kung may sugat man ay kakaunti lang din. But the thing is, it's inside him. Internal bleeding. It's all because of me. Kung hindi niya sana ako niligtas noon ay baka buhay pa siya ngayon...

Buhay pa sana siya kung sakaling hindi niya iyon ginawa.

"One day, he went home with a marriage certificate at gulat na gulat kami ng daddy niya! Of course, who wouldn't? Kinasal ang anak namin nang hindi namin nalalaman tapos ayaw ka pa niyang ipakita sa amin!" bahagya siyang natawa na para bang nagbalik tanaw.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now