Kabanata 3

25.3K 793 218
                                    

Kabanata 3

Insults

Maaga akong nagising kahit na hindi naman ako halos nakatulog kagabi. I cried my eyes out until I fell asleep. Kagabi na lamang ako ulit umiyak nang ganoon.

Hindi ko alam kung nasaan na si Sylvester pero masaya akong nandito siya. Tinotoo nga niya ang sinabi niyang siya na mismo ang pupunta sa akin sa oras na hindi ko pirmahan ang mga papeles na ibinibigay niya kada buwan.

Dinama ko ang sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Mataas ang sikat nito ngunit hindi masakit sa balat, sakto lamang at nakakagaan.

I brushed my hair through the use of my fingers. Having this kind of hair is not really hassle at all. Gusto ko ang pagiging kulot nito, it's in between of spiral and mermaid curls. Sakto lamang.

"Good morning, Uno..." napapaos kong bati sa alaga kong nakaupo na ngayon sa aking tabi. He's even blinking while trying to catch some sun rays.

Nang lumabas ako mula sa aking kwarto ay sa kusina kaagad ang diretso ko. I need to prepare a breakfast for me and Uno. We're going out later to play near the sea. That's our bonding together.

Inilapag ko ang pagkain ni Uno na malugod at tahimik naman niyang tinanggap. Nagsimula na rin akong kumain ng isang pirasong tinapay na may palaman na keso. Hindi ako umiinom ng kape dahil iba ang epekto nito sa akin. Mas inaantok lang ako sa tuwing iinom ako ng kape.

"Hmm..." I hummed as I took a sip on my tea.

Sinulit ko ang oras ko sa banyo. Dadaan ulit ako sa school para makita si Felly. Sasabihin kong umuwi na si Syl sa amin, hindi naman sa umuwi but he's here already. I think that's enough for me to feel at ease.

I simple wore a white t-shirt and black jogging pants paired with my slippers. Si Uno naman ay tinalian ko lang para hindi siya mawala sa paningin ko.

Nagdala na rin ako ng supot dahil baka dumumi si Uno, kakailanganin ko ng pandakot.

Malaki ang ngiti ko sa labi nang lumabas kami. Nakakagaan ang sikat ng araw sa labas. Kung normal na araw ito ay nasa loob lang ako ng bahay at nagsusulat pero hindi. Maganda na hindi ko maintindihan ang mood ko ngayon araw.

"Uno!" tawag kaagad ni Felly nang makita si Uno sa gilid ko.

Yumuko siya at nilaro niya si Uno habang ang aso ko ay dinidilaan siya habang kumakawag ang buntot nito.

"Napadaan ka?" tanong niya.

I smiled. "Umuwi na si Syl,"

Nanlaki ang mga mata niya at napatayo para harapin ako. "Umuwi? A-anong?"

"Umuwi nga, Fel. Dito na ulit siya..."

I'm not really sure if he'll stay here with me. I offered him a deal so maybe he'll stay? Iyon ay kung tatanggapin niya. Kung hindi, ayos lang din.

"Sa bahay niyo na ulit titira?"

I shook my head. "Hindi, pumunta lang para sa divorce papers. Tingin ko ay magtatagal dahil hindi ako pumipirma,"

"Ha?! Nasaan 'yang asawa mo?!" galit niyang sabi. "Sisipain ko 'yan! Mapapamura ako nito bigla–"

"Kumalma ka nga!" inawat ko siya sabay haplos sa braso niya.

"Huwag kang magpapaloko ulit, Neptune!" aniya sabay tapik sa akin.

I nodded.

Hindi ko sinabi kay Felly ang deal na inalok ko kay Sylvester dahil alam kong magagalit ang kaibigan ko. Sesermunan niya lang ako sa paraang ayoko kaya itatago ko na lang sa sarili ko ang totoong nangyari kahapon.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang