Kabanata 1

38.3K 1K 217
                                    

Again, this story contains sensitive issues that should not be ignored in our society. There are scenes na hindi dapat tularan ninyong mga mambabasa. Read at your own risk. You have been warned! Basahin ulit ang disclaimer sa pinakaunahan ng kwento. Salamat.

Monday ko dapat ito ilalabas pero hindi ko matiis. Haha. Hi! Welcome sa story ni Sylvester, ang pinakapaborito kong Ellington.

Kabanata 1

Mirror

"Mrs. Neptune Ellington, I'm glad that you finally answered my call!" maligayang sabi ng babaeng nagsasalita sa kabilang linya.

I nodded my head insensibly. Wala akong ganang kausapin ang mga taong may kinalaman sa Maynila pero parte ito ng aking trabaho. The last time I checked, I belong to their company so I must follow every rule.

"Uh..." I bit my lower lip, nag-iisip tungkol sa pwede kong idahilan. "Mahina ang signal dito sa amin. Pasensya na, Juna."

"Bakit ba kasi hindi ka na lang dumito sa Maynila? I'm sure that the company will attend every bit of your needs. They're very much willing to lend you a hand,"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Matagal na nila akong pinipilit na lumuwas papuntang Maynila para mas mapadali raw ang trabaho ko. It's just that, I don't really like the ambiance of the city. Those city lights together with the raging sound of their dazzling cars that produces poison to our lovely mother Earth, it irritates me.

"Hindi at hindi lang ang isasagot ko sa'yo," I tried to maintain my composure. "At isa pa, may email naman, Juna. I can send you the soft copies right away, may internet ako at maayos din ang laptop ko."

"Nako, alam naman namin na tatanggihan mo kami!" bahagya siyang tumawa sa kabilang linya. "Well, we're lucky that we got you under our wing. It's our pleasure to have an amazing author like you,"

"Salamat..." tipid kong sabi.

Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko pa siyang magsalita ulit. She's taking her time very well. Kanina ko pa sana natapos ang nais niyang ipagawa sa akin kung hindi lang niya ako inaaliw sa mga mumunting kwento niya.

"Remember your latest book? "Wounded" is now available Nationwide! Padadalhan ka namin ng mga copies diyan sa bahay mo. Ilan ba ang gusto mo?" masigla niyang sabi ulit.

Yumuko pa ako para bilangin ang mga pagbibigyan ko. Sina Felly at Revo lang naman ang gusto kong bigyan. Ayos na siguro ang tatlo? Ang isa ay para sa sarili ko na.

"Ayos na ang tatlo, Juna."

Mas naging maayos ang paghinga ko nang siya na mismo ang pumutol ng linya. Wala na rin naman akong nais pang sabihin dahil bukod sa may gagawin pa ako, hindi rin ako interesado sa ibang balita sa syudad.

I used to love the city. It has always been my dream to live and settle my life in that megalopolis. Hindi ko malilimutan 'yong mga panahon kung paano ako nangarap na balang araw ay makakaapak din ako sa sinasabi nilamg syudad.

But that was before. I'm contented with my current stand in this small town. Mas pabor ako sa tahimik at matiwasay na buhay ko rito.

Napadako ang tingin ko sa alaga kong aso na si Uno nang marahan niya akong dambahin. Mukhang naglalambing ang alaga ko kaya naman ay sandali ko itong pinagbigyan.

Hinaplos ko ang kaniyang ulo at paulit-ulit siyang hinalikan sa pisngi. "I'll play with you later, okay? May tatapusin lang ako,"

Nginitian niya lang ako at ilang beses na tumahol bago bumalik sa higaan niya malapit sa akin. Tahimik niya lang akong tinatanaw sa malayo.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now