Chapter 14.4.4

482K 7.2K 197
                                    

#CBTG  #JorTy

#PinipigilanAngPanggigigil

********

CHAPTER 14.4.4

JORDAN's POV (Cont.)

Papalalimin na sana niya ang halikan naming dalawa nang biglang may mag-doorbell. Nagkatinginan kami sabay labas din ni Insan na nagmamadaling lumapit sa pinto. Umirap pa siya kay Ty bago buksan iyon at bumungad nga ang lalaking kaibigan umano niya.

Tiim bagang si Ty sa pagkakataong iyon, kaya't hinaplos ko ang kanyang pisngi at binulungan ko siyang mag-relax lang.

"Guys, I would like you to meet Jeric," pakilala rin naman ni Insan nang makalapit na sila sa may sala.

Pinoy looking lang naman si Jeric. Matangkad, kayumanggi at gwapo. Wala rin sa hitsura niya ang mukhang bading. Though I am not sure, kung bading nga ba siya. Ang laki din ng katawan niya na parang gym instructor.

"Hello." Tumango naman si Jeric sa amin. Kahit ang boses ay walang bakas ng pagkabading. Malaki at buong-buo.

"This is Jordan, my cousin." Itinuro pa ako nang nakalahad na kamay ni Insan.

"Oh, hi. So pretty." Inabot naman ni Jeric ang kamay niya kaya nakipagkamay naman ako.

"Thank you. Nice to meet you," kaswal na sagot ko kahit na nakaka-ilang ang titig niya. Parang hindi nga yata bading. Hindi kasi ganito makabati ang ibang ipinapakilala ni Cary sa akin.

"And, this is Tyrone," matabang na pakilala rin naman ni Cary na may kasamang irap.

"Hey." Tipid na nakipagkamay rin naman si Ty. "Jordan's boyfriend," pakilala pa niya sa sarili at matalim lang na hinapyawan nang tingin si Insan na nakairap pa rin.

"Ohh, nice to meet you, pare." Bahagya lang namang tumango si Jeric.

"Tara muna, Jeric. Kumain muna tayo," kayag pa ni Cary.

"Kayo—" Mang-aalok pa sana si Jeric, pero nakasabat na agad ang masungit kong boyfriend.

"We're done. Thank you," pormal na sagot niya sabay hila sa akin papasok sa kwarto ko.

Saglit na sinundan lang niya kami nang tingin pero agad na ring kinabig ni Ty ang pinto pasara kaya hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya.

"Chillax ka nga lang. Ang init ng ulo mo kaagad, e." Mabilis pa akong lumapit sa kanya at hinagud-hagod ang kanyang braso.

"Tss..." Umismid lang naman siya at naupo sa bed.

Oooops, this is awkward... Bigla na namang nagflashback ang nangyari the other day. Nakita kong namula din siya na para bang sumagi din sa isip niya ang nasa isip ko.

"Um..." Lumunok siya at pinasadahan nang hagod ang kanyang buhok. "What do you think of Jeric?" Pagbabago pa niya ng topic.

"Okay naman, kaya lang mukhang hindi naman bading," sagot ko naman sabay nag-iwas nang tingin.

"Parehas lang pala tayo nang iniisip." Bahagya pa siyang napaubo at nagkamot ng ulo. Alam kong nate-tensyon din siya tulad ko.

"Maybe, sa sala na lang tayo?" Hindi ko na rin napigil ang mag-suggest. Panay na naman kasi ang malakas na kabog ng puso ko. At may kung ano na namang kuryente ang gumapang sa aking buong katawan.

"Why mahal ko? Are you scared that you won't be able to control yourself when you're around me?" nakangisi niyang tanong.

"H-hindi, 'no!" Umirap ako at parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon