OSL Kabanata: 44

10.1K 300 34
                                    

Continuation:

"Hubby, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit ang dilim at parang lubak-lubak naman itong dinadaanan natin?" kunot noong tanong ni Nicole nang mapansin ang hindi pantay na kalsadang kanilang binabaybay.

Sandali naman siyang nilingon ni Josh bago hinagilap ang kanyang kaliwang kamay, saka ito mabilis na hinalikan, "Sabi nga nila, difficult roads often lead to beautiful destinations. I'm pretty sure magugustuhan mo ang pupuntahan natin." nakangiting sambit ng binata habang nakatuon ang atensyon diretso sa kalsada.

Hindi na naman nagtanong pa si Nicole at itinuon na rin ang kanyang paningin sa bintana. Hindi niya makita kung anong lugar ang kanilang tinatahak, dahil sa dilim nang buong kapaligiran at ang tanging ilaw lamang ng sasakyan ni Josh ang nagsisilbing liwanag sa kalsada.

Matapos ang ilang sandali ay narating na ng magkasintahan ang kanilang destinasyon.

"We're here!" masiglang turan ni Josh at mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan. Maagap naman niyang pinagbuksan ng pinto si Nicole bago ito inalalayan pababa, "Watch your step, baby..." maingat pa niyang turan dahil sa dilim nang buong paligid.

"Thank you..."

Hawak kamay na naglakad ang dalawa patungo kung saan-man. Hindi na rin naman nag-usisa pa si Nicole kung saan sila pupunta, hanggang sa naaninag na lang niya ang isang malaking bahay sa hindi kalayuan. Hindi niya matukoy ang itsura nang buong kabahayan at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbi nilang ilaw sa lawak nang lupain na kanilang binabaybay.

Nang tuluyang marating ang bukana nang pintuan ay mabilis huminto si Josh saka hinarap ang kanyang kasintahan, "Wait... You need to wear this blindfold first."

"Seriously?" natatawang saad ni Nicole sa binata.

"Yep... I have something to show you, at gusto kong naka-blindfold ka para surprise."

"Okay..." kibit balikat lang na saad ni Nicole bago siya tuluyang piniringan ng binata.

"No peeking, baby... I'm sure you will love this." bulong ni Josh sa tenga ng dalaga at segundo lamang ang lumipas nang alalayan nito ang kanyang kasintahan papasok sa loob ng malaking bahay.

Nagsimulang humakbang si Nicole at walang ka'ide-ideya kung anong pakulo ang inihanda sa kanya ng binata. Kahit nakapiring ay bahagyang na-aninag ng dalaga ang pagbukas nang ilaw sa kanyang paligid. Patuloy lamang siya sa kanyang paglalakad, at tanging mga kamay lamang ni Josh ang kanyang nagsisilbing gabay sa bawat hakbang na kanyang ginagawa.

Ilang segundo pa ang lumipas nang maramdaman ng dalaga ang bigla nilang paghinto sa paglalakad, "Just stay here, baby..." turan ni Josh bago siya ginawaran nang isang magaan na halik sa labi.

Mabilis namang pumunta si Josh sa likuran ng dalaga sabay sabing, "I love you, Nicole..." malambing niyang saad dito. "Now, you may take off your blindfold." bulong nito sa tenga ni Nicole saka ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ng dalaga.

Dahan-dahang tinanggal ni Nicole ang kanyang piring at bumungad sa kanyang harapan ang hindi magkandamayaw na dami nang ilaw na kanyang natatanaw. Para itong mga alitaptap sa malayuan na nagbibigay nang kakaibang liwanag na masarap at kaaya-ayang tingnan.


Photo CTTO

Photo CTTO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now