OSL Kabanata: 19

7.9K 322 28
                                    

Updated! 😊😊😊

Unedited at hindi pa napo-proofread ang Kabanatang ito, kaya paki-intindi ng mga errors.


*****



Mabilis lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang relasyon nina Nicole at Dennis. Sa loob ng dalawang buwan ay nakilala ng dalaga ang ugaling mayroon ang kanyang kasintahan, bukod sa pagiging pilyo't sweet nito ay lumalabas na rin ang pagka-seloso ng binata.

Akala ni Nicole, kapag nagkaroon ng relasyon ang dalawang tao ay natatapos na lahat sa pagiging masaya. Hindi lubos akalain ng dalaga, na kaakibat pala nito ang matinding pagpapasensya't pang-unawa para maging maayos ang isang relasyon.

"Grabe bff seryoso, nagfighting sila dahil sayo?" hindi makapaniwalang saad ni Aaron nang mai-kwento ng dalaga ang nangyaring iringan sa pagitan nina Josh at Dennis.

"Haaayyy... Halos magpalamon na nga ako sa lupa bff, 'wag ko lang makita 'yung madilim na awra ni Dennis." ani Nicole saka napairap sa kawalan.

"Haba ng hair," pambibiro ni Aaron saka hinaplos pababa ang buhok ng dalaga. "Anong eksena nila, kwento ka na dali." pagpupumilit ni Aaron.

Napahinga na lang ng malalim si Nicole, habang inaalala ang eksenang hindi niya makakalimutan.



Flashback


Abala si Nicole sa pagkalikot ng kanyang telepono, nang biglang tumumawag ang kanyang kasintahang si Dennis.

"Hun, where are you?" bungad nito sa kabilang linya.

"Dito sa field, hun."

"I told you to wait for me here sa gym, remember? Bakit ka nandyan?" halata ang pagkairitable sa boses ni Dennis, nang sambitin nito ang mga katagang iyon.

"Hun, dito na lang po ako maghintay sa field. Gustuhin ko mang pumasok d'yan sa gymnasium ay hindi ko maatim, baka kumulo lang ang dugo ko sa mga palakang kokak na nagkalat d'yan!" sagot ni Nicole sa kanyang kasintahan.

"Hun, dito ka na lang sa gym maghintay please? Baka papakin ka ng tingin ng mga lalaki d'yan."

Napailing na lang si Nicole sa pagiging possessive ng kanyang kasintahan. Kung noong una ay kinikilig pa siya sa pagiging clingy nito, ngayon ay nagbago na.

Habang tumatagal kasi ang kanilang relasyon, ay hindi na nagugustuhan ni Nicole ang pinapakitang ugali nito. Pangit mang pakinggan, ngunit nakakaramdam siya ng pagkasakal sa pamamaraan ng pagprotekta nito sa kanya.

"Dito na lang kita hintayin, hun. I'm sure, wala pang limang minuto nandirito ka na."

"What kind of answer is that? Are you being sarcastic again?!" sa puntong iyon ay tumaas na ang timbre ng boses ni Dennis, kaya't alam na ni Nicole na galit na ito.

"Hun ano ba... Pag-aawayan na naman ba natin ang simpleng bagay na 'to?!" hindi na makapagpigil ang dalaga dahil mas napatunayan lang niya na sinasakal na siya ni Dennis, sa pamamaraan ng pagbabantay at katwiran nito.

"You're being hard headed again, Nicole! Ano bang mahirap sa pagpunta rito? At bakit palagi mo na lang excuse ang mga babaeng nanonood ng practice sa gym, is that your way of avoiding me?"

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now