OSL Kabanata: 14

8.1K 329 25
                                    

Updated 😊

Haven't proofread this Chappy, yet. Kaya paki-intindi po ng mga errors.

Wag din po natin kalimutang mag-vote, dahil sa pamamagitan ng mga boto niyo ay napapakita niyo na rin sa akin ang inyong suporta't pagkagusto niyo sa aking istorya.

Iyon lamang at Happy Reading na lang. 💋💋💋



*****



Habang naglalakad sa hallway ng FTHS ay biglang napahinto si Nicole sa kanyang paghakbang, dahil napansin niya na papasalubong sa kanyang direksyon ang binatang si Josh.

Hindi naman siya magkaintindihan kung anong dapat gawin, matapos kasi siyang dampian nito ng halik sa labi at isama mo pa ang aksidenteng maipadala ang mensahe tungkol sa pagkakagusto niya sa biglaang paghalik nito, ay tumodo na ang kanyang kahihiyan sa binata.

Mabilis umatras si Nicole para hindi niya ito makasalubong. Ngunit nang akmang tatalikod na siya'y biglang nabangga ang dalaga sa isang poste este matipunong dibdib pala.

"Watch out, hun." nakangising saad nito nang bumangga ang dalaga sa kanyang dibdib.

Mabilis namang napahawak si Nicole sa kanyang noo bago tiningala ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon, "Ikaw na naman!" kunot noong bulyaw niya rito.

"H-hey... How are you Ms. Letsugas?" nakangising usal ni Dennis bago hinaplos ang kaliwang pisngi ng dalaga.

Dagli namang sinuway ni Nicole ang kamay nito sabay sabing, "Kung minamalas ka nga naman ohh." napapailing niyang anas dito.

"Hey, that's not nice to hear ahh. Hindi ako malas, ako kaya ang lucky charm ng black panthers." maangas na wika ni Dennis bago siya inakbayan, na ipinagmalaki pa ang kanyang basketball team.

"Letsu..." sasagot na sana si Nicole nang biglang marinig niya ang baritonong boses ni Josh sa kanyang likuran.

"Nicnic!" seryosong turan nito kaya't napapikit na lang ng mariin ang dalaga, dahil sa pagkakahuli ng taong matagal niyang iniwasan.

Dahan-dahan niyang nilingon ito bago nginitian ng alanganin, "J-josh! Hehe..." aniya rito saka ito pinakitaan ng pekeng ngiti.

Sa loob ng tatlong linggo ay nasilayan niyang muli ang gwapong mukha ng binata, ngunit sa pagkikitang iyon ay seryoso na itong nakatingin sa kanya. Partikular sa taong nakaakbay sa kanya.

Mabilis namang inialis ni Nicole ang braso ni Dennis sa kanyang balikat sabay sabing, "J-josh... Musta?" alanganin niyang saad dito.

Sa halip na sagutin ang kanyang katanungan ay sinagot lang siya nito nang, "Pauwi ka na ba?" seryosong usal ni Josh habang matamang nakatingin sa kanya.

Hindi naman alam ni Nicole kung anong isasagot rito, bukod kasi sa iniiwasan na niya ang binata ay naiilang siya sa namumuong tensyon sa pagitan nina Josh at Dennis, na ngayo'y matalim na nakatingin sa isa't isa.

Mabuti na lang at nasilayan niya ang presensya ni Aaron sa di kalayuan, kaya't mabilis niyang tinawag ito, "Aaron!" aniya bago iniwan ang dalawang binata.

"Oh Bff, bakit lapot ang beauty mo ngayon?" natatawang saad ni Aaron nang makitang pawisan na ang mukha ng dalaga.

"Gravity! Bff, hindi ko kinaya ang tensyon no'ng dalawa ro'n." ani Nicole saka inginuso ang gawi nina Josh at Dennis na nakatingin lang sa direksyon nila.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now