OSL Kabanata: 12

8.5K 333 56
                                    

"Bye Bff..." pamamaalam ni Nicole sa kanyang kaibigang si Aaron.

"Babush! Ingat sila sa'yo." pambubuska namang saad nito bago pumasok sa kanyang classroom.

Tahimik na naglakad si Nicole pabalik sa kanyang klase, bigla namang nangunot ang kanyang noo nang makarinig ng hagikhikan ng mga estudyanteng kababaihan sa kanyang likuran.

"Gwapo pala si Dela Vega noh?" rinig niyang maarteng sambit ng babae roon, na lalong nakapukaw sa kanyang kuryusidad.

"Sinabi mo pa girl, grabe bakit ba hindi ko napansin ang kagwapuhan ni Dela Vega noon?" kinikilig na turan naman ng isang estudyanteng kakwentuhan nito, kaya mabilis na napatigil ng lakad si Nicole.

Nilingong niya ang mga ito, ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawang dalagita't nilampasan siya ng lakad habang patuloy sa pagku-kwentuhan.

"Hay nako girl, ako nga nanghihinayang eh. Partner ko na dapat siya dati sa chemistry, pero nakipagpalit ako kay Joanne dahil ayoko kay Dela Vega. Sayang kung hindi sana ako nakipagpalit, nabuild-up na sana ang chemistry namin ngayon, together." rinig pa ni Nicole na wika nito bago tuluyang makalayo sa kanyang kinatatayuan.

"Dela Vega? Hindi kaya si Josh 'yung tinutukoy nila?" kabado niyang saad sa hangin bago pa man marinig ang school bell tanda ng kanyang pagpasok sa klase.


*****


Hindi mapakali si Nicole sa kanyang kinauupuan, hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig niyang balita mula sa kapwa niya estudyante sa hallway kanina.

"Bakit bigla nilang napansin ang charm ni Josh? Samantalang dati parang hangin lang ito sa paningin nila, ako nga lang ang nakaka-appreciate ng kagwapuhan niya kahit naka-nerdy glasses pa ito." naguguluhang sambit ni Nicole sa kanyang sarili.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang tapikin siya ni Raine sa balikat, "Uy Beshie, tulala ka na naman d'yan." natatawang saad nito.

"H-ha?"

"Tsss... Ang lalim na naman ng iniisip mo kako." nakangising sambit pa ni Raine sa kanya.

"H-hindi may inaalala lang ako, so pa'no... Una na akong umuwi, may practice pa pala kayo sa singing club eh." aniya bago kinuha ang kanyang bag sa upuan.

"Oo nga eh, sige na mag-iingat ka ha?" wika ni Raine bago humalik sa kanyang pisngi.

"Susunduin ka ba ni Icarus ngayon?" biglang pagtatanong ni Nicole nang magsimula silang maglakad sa hallway ng FTHS.

"Hindi ko alam beshie, hindi nga nagpakita sa akin simula nang ihatid niya ako sa classroom kaninang umaga. Wala naman akong cellphone para itext siya." kibit balikat lang na saad nito.

"Nubayan, kakasimula pa lang ng relasyon niyo no communication na agad?" natatawang saad niya rito.

"Hay nako Nicnic, hindi ko nga alam kung seryoso ba talaga siya sa akin. Hindi kaya iniisahan lang ako ni Icarus kasi alam niyang gusto ko siya?" malungkot na sambit ni Raine.

Mabilis naman itong inakbayan ni Nicole sabay sabing, "Ano ka ba beshie, sa tingin ko seryoso naman siya sayo. Wag ka nga masyadong nakikinig sa mga echoserang palaka dito sa FTHS, naiinggit lang sayo ang mga iyon kaya ka sinisiraan." pagpapayo ni Nicole sa kanyang kaibigan.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon