OSL Kabanata: 16

8.2K 316 45
                                    

"Nicole!" mabilis namang napalingon ang dalaga nang marinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan.

"D-dennis?" kunot noong sambit niya sa hangin, nang makita ang binata na papalapit na sa kanyang kinatatayuan.

"I'm glad you're still here..." hinihingal na saad nito habang iminustra pa ang kanang kamay, na sandali lang.

"Bakit ka kasi tumakbo? Teka kuha muna kita ng tubig." anito bago binuksan ang kanilang gate.

Nang akmang papasok na si Nicole sa kanilang tahanan ay mabilis naman siyang hinawakan ni Dennis sa braso sabay sabing,

"No need hun, may gusto lang sana akong sabihin sa'yo." usal nito nang makabawi sa kanyang pagkakahingal.

Dagli naman itong hinarap ni Nicole at matamang tiningnan ang binata, na animo'y naguguluhan sa nais nitong sabihin o pakay sa kanya.

"Ahh... Nicole, will you be my date sa prom night?" seryosong turan ni Dennis habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

Nagulat si Nicole sa sinabi nito at hindi alam kung paano sasagutin ang katanungan ng binata, "B-bakit ako?" kunot noo niyang sambit dahil sa kabiglaan.

"And why not? I told you, that I like you right? And I want to date the girl that captures my attention."

Huminga naman ng malalim si Nicole sabay sabing, "Anong trip mo?" pagtataray nito sa binata dahil hindi niya makuha kung anong intensyon nito, bakit bigla siyang inayang maging kapareha sa prom night.

"W-what do you mean?" naguguluhang usal naman nito sa dalaga.

Hinalukipkip lang ni Nicole ang kanyang mga braso sabay sabing, "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Dennis, bakit all of a sudden naging interesado ka sa akin?"

"I want you to be my date, because I wanted to. Can that be a valid reason for you to say yes?" natatawang apila nito sa pangsusupla sa kanya ng dalaga.

Tumaas lang ang gilid ng labi ni Nicole sa sinabi ng binata, kaya't sinagot niya ito nang, "Knowing your type of chikababes? Tsss... So uulitin ko ang tanong ko, anong trip mo?" sarkastikong saad ng dalaga bago ito inarkuhan ng kanang kilay.

"Listen hun... I know you met me as a playboy, chick magnet at siyempre ang kumakalat na rumors about me that I'm a F*ckboy," anito at pinagdiinan pa ang huling salitang iyon.

"But it's not necessarily mean, that I will stay f*ckboy my entire life. People change, you know, and that changed is started because of you." mahabang litanya ni Dennis na siyang kina-estatwa ng dalaga.

Halos pigil na ang hininga ni Nicole dahil sa kanyang mga narinig mula sa binata. Hindi man maamin sa kanyang sarili, ay parang lumambot ang kanyang puso sa mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na may taong gaya ni Dennis, na handang magbulalas ng nararamdaman para sa kanya.

Nasa ganoong isipin ang dalaga nang biglang maramdaman niyang hinawakan siya ni Dennis sa kanyang kaliwang braso, "Hey... Sorry if I'm being too aggressive, but I don't want to miss this night na hindi kita ma-invite as my date sa prom night."

One Sided Love ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя