OSL Kabanata: 38

6.8K 272 25
                                    

Continuation:

"Shoot!" gulat na bulalas ni Nicole sa hangin, nang makita ang resulta ng ginamit niyang pregnancy test.

Photo CTTO

Photo CTTO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Mabilis na kinuha ng dalaga ang manual at paulit-ulit na binasa ang nakalagay na instructions doon.

"Oh! Tama naman 'yung ginawa ko ahh... Bakit walang lumabas ni isang linya?" nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili at doon lang niya napagtanto na inbalido pala ang lumabas na resulta sa kanyang test.

"Kapag sinuswerte ka nga naman ohh. Sa lahat ng defective na P.T. isa pa ako sa nakabili. Tsss!" dismayadong saad ni Nicole at napapailing na iniligpit na lang ang lahat ng nakalakip sa karton ng pregnancy test, bago ito mabilis na isinilid sa kanyang bag.

Tahimik na umakyat ang dalaga sa kanyang silid at doon nag-isip ng paraan kung papaano masusulusyunan ang kanyang kinakaharap na problema ngayon.

"Alam ko na!" aniya sa kanyang sarili bago hinagilap ang numero ni Aaron sa kanyang telepono.

Ilang segundo lamang ang kanyang pinaghintay bago tuluyang sinagot nito ang kanyang tawag, "Hello bff! I miss you!" bungad nito sa kabilang linya.

"I miss you too, bff..." tanging sambit lang niya rito, at kumukuha ng tyempo kung paano sasabihin dito ang kanyang pakay.

"Oh anong sadya ng iyong beauty, bakit biglaan kang napatawag aber?"

"H-huh? A-anong sinasabi mo d'yan... Bakit m-masama bang kamustahin ang bff ko?" nauutal niyang sambit dito. Ngunit sa kabila ng kanyang isipan, ay nagtataka siya kung paano nalaman ni Aaron na may kailangan siya rito.

"Hay nako bff... Kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema ka. Sa buong friendship natin ako ang laging nauunang makaalala sa ating dalawa noh." maarteng bulalas nito sa kanya.

"G-grabe ka naman bff, parang sinasabi mong wala akong kwentang kaibigan ahh."

"Arte nito! Sige na, I'm willing to listen. Kaya ispluk mo na inday."

Humugot muna ng malalim na hininga si Nicole bago tuluyang sinabi ang kanyang pakay dito, "Bff... Pakibili naman ako ng ano..." hindi niya alam kung paano babanggitin ang tungkol sa pregnancy test.

"Nang ano? Bakla ka, wag kang pabitin d'yan."

Batid ni Nicole ang kawalan ng pasensya sa boses ni Aaron kaya't mabilis napasambit ang dalaga nang, "Pakibili ako ng... PregnancyTestTatlo!" mabilis niyang wika rito, bago napakagat ng kanyang ibabang labi.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now