OSL Kabanata: 4

12.9K 489 58
                                    

Kinabukasan, taas noong naglakad si Nicole sa hallway ng FTHS. Nag-ayos kasi ang dalaga ng kanyang sarili, at hindi alintana ang mga estudyanteng nagtitinginan sa kanyang itsura ngayon.

Kung dati ay hinahayaan lang nitong malangis at pawisan ang kanyang mukha, ngayon ay naglagay na ito ng minipis na pulbo at kaunting pulang lipstick, para mas maging kaaya-ayang tingnan ang kanyang mga labi.

Kung noon ay palaging nakasabog ang bagsak na buhok ni Nicole, ngayon ay itinali niya ito pataas para makita ang hugis ng kanyang mukha na korteng puso.

"Hi Nicole." bati sa kanya ng isang binatilyong estudyante sa kalapit nilang classroom.

Hindi na sana ito papansinin ng dalaga, ngunit nang makitang makakasalubong niya si Josh ay mabilis niyang binalingan ang binata bago ngumiti rito ng sobrang tamis.

"Hello Aaron." bati niya rito saka pa-sweet na ngumisi sa binata, para ipakita kay Josh na abala siya sa ibang bagay.

"Kilala mo pala ako?" hindi makapaniwalang saad ni Aaron sa dalaga.

Palihim na sinilip ni Nicole ang paparating na si Josh, kaya naman nang makitang malapit na ito sa kanyang kinatatayuan mabilis na sinabihan ni Nicole si Aaron nang,

"Aaron, kapag tinapik kita sa balikat tumawa ka ng malakas ha?" pabulong niyang sambit sa binata bago ito tinapik sa kaliwang balikat.

Kahit hindi naman makuha ni Aaron ang ibig sabihin ni Nicole ay sinunod na lang din niya ang kagustuhan ng dalaga, saka tumawa ng sobrang lakas.

"Hahaha!" halakhak ng dalawa habang ang peripheral vision ni Nicole ay palihim na sinisilayan si Josh.

"Ano ka ba maliit na bagay, nakakatawa ka talaga." kunwari pang turan ng dalaga saka muling tumapik sa balikat ni Aaron.

Madali namang napansin ni Josh ang halakhakan ng dalawa, kaya napatikhim na lang ito bigla sa likuran ni Nicole,

"Ehem... Ehem..."

Pakunwaring binalingan naman ito ng dalaga sabay sabing, "Uh can I help you, Mr. Dela Vega?" pagtataray niya rito bago hinalukipkip ang mga braso.

Hindi naman agad nakaimik si Josh sa inasta ni Nicole. Nasanay kasi siyang masiyahin at friendly ito sa kanya, kaya laking gulat niya nang bigla itong nagtaray.

Sadyang mataray naman talaga si Nicnic, Josh. Bakit ka biglang natameme d'yan? saad ng binata sa kanyang sarili habang pinapakiramdaman ang timpla ng dalaga.

Napabalik na lang sa kanyang sarili si Josh nang muling magsalita si Nicole, "Excuse us lang Josh, may pinag-uusapan kasi kami ni Aaron na private. Kung pwede lang." sarkastikong saad nito saka tinaasan ng kilay ang binata.

"S-sorry..." iyon lamang ang nasabi ni Josh bago tinalikuran ang dalaga.

Tinanaw naman ni Nicole si Josh na papalayo na sa kanyang kinatatayuan. Bagsak ang balikat niyang inihatid ang binata gamit ang kanyang paningin.

Nasasaktan siya sa tuwing makikita niya itong nalulungkot, pero kailangan niyang tiisin si Josh alang-alang sa kanyang nararamdaman para sa binata.

Sorry Habibi, kailangan kong gawin ito dahil magiging kawawa ang puso ko, kapag ako lang ang nagmamahal para sa ating dalawa. malungkot nitong sambit sa hangin bago napabuntong hininga.

"Uy Nicole."

Kalabit sa kanya ni Aaron dahilan para muli niya itong balingan, "H-ha?" wala sa sarili niyang sagot sa binata.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now