OSL Kabanata: 25

7.9K 344 38
                                    

Abala sa paggawa ng report si Nicole para sa kanyang aralin bukas, nang biglang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Wala sa sariling sinagot niya ito nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Hello..." bungad niya rito.

"Nicole..."

Bigla namang kinutuban ang dalaga nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Hindi niya tiyak, ngunit may kutob siya na boses ni Icarus iyon.

"H-hello, sino 'to?" pagkukunwaring turan ng dalaga rito.

"It's Icarus..." maagap na sambit naman ng binata sa kabilang linya.

Kumabog nang husto ang dibdib ni Nicole, dahil nasigurado niya na tama ang kanyang hinala na si Icarus ang taong kausap niya ngayon sa kabilang linya.

"What do you want?" malamig na turan ng dalaga, dahil aaminin niyang sumama rin ang loob niya rito, dahil sa ginawang pang-iiwan ni Icarus sa kanyang matalik na kaibigang si Raine.

"C-can we meet?" alanganing saad nito, na nakapagpabalik sa kanyang katinuan.

"Whe..." hindi na naituloy ni Nicole ang kanyang sasabihin nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. "Wait lang Icarus..." aniya bago naglakad para buksan ang pintuan.

Bumungad sa kanya ang Inang si Mama Janet, "Anak nasa baba si Josh." anito na mas ikinabigla naman ni Nicole.

"Ahh sige po Ma, sunod na lang po ako sa baba." aniya bago nginitian ito ng alanganin.

Hindi na rin naman sumagot pa si Mama Janet, kaya't walang sabi-sabing binalikan ni Nicole ang kanyang telepono, "Icarus, saka na tayo mag-usap. Marami kang ipapaliwanag sa akin. Kala mo d'yan ahh."

"I know, that's why I wanted to talk to you."

"Bukas after school, kita tayo sa coffeeshop sa labas ng Trinus University."

"Alright, sorry and thank you Nicole."

"Wag ka munang mag-thank you dahil hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo kay Raine. Hangga't wala kang valid reason na sasabihin, kung bakit ka umalis ng walang paalam ay wala rin akong panahon para tanggapin ang sorry mo." dismayadong saad ni Nicole sa binata.

"Haaayyy... I'm ready to tell you everything, but please... Wag mo munang sabihin kahit kanino lalong-lalo na kay Raine na nag-usap tayo." pakiusap ni Icarus sa kabilang linya.

Nakaramdam naman ng awa si Nicole sa dating ng boses ng binata sa kabilang linya. Para itong may dinadala na mabigat sa kanyang kalooban, na gustong-gusto na niyang ibulalas.

"Makakaasa ka... Sana lang hindi magalit sa akin si beshie sa pakikipag-usap ko sayong ito." nakangiwing turan ng dalaga.

"After nating mag-usap, haharapin ko na si Raine."

"You better be... Malaki ang naging epekto ng pag-alis mo sa buhay ni beshie. Kaya gandahan mo ang pagpapaliwanag mo sa kanya."

"I will... Thank you ulit... For talking to me."

"No worries... Oh sige na, bukas na lang tayo chika. Byers!" aniya sa binata.

One Sided Love ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن