OSL Kabanata: 7

10.3K 377 24
                                    

Kinabukasan, maagang gumising si Nicole para tulungan ang kanyang Mama Janet na maghanda ng kanilang umagahan.

"Good Morning, Ma." bati niya rito bago humalik sa pisngi ng kanyang Ina.

"Morning, bakit ang aga mong gumising, hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi anak?" pagtatanong ni Mama Janet habang abala sa pagpi-prito ng tocino.

"Ayos lang po ako Mama, sadyang naunahan ko lang po ngayon 'yung alarm clock ko. Ma, ako na po magtutuloy niyan." pagpi-prisinta ng dalaga rito.

"Sigurado ka Ate?" pagtatanong ni Mama Janet sa kanyang anak.

"Yes po, Mama." nakangiti niyang saad bago kinuhan ang siyanse na nakapatong sa lababo.

"Okay, thank you Ate," ani Mama Janet bago humalik sa kanyang pisngi. "Gigisingin ko na rin ang kambal, para sabay-sabay na tayong kumain." wika nito saka nilisan ang kanilang kusina.

Matapos kumain ay dumiretso na sa kanyang pagligo si Nicole, nakita niya na may miscall sa kanyang telepono kaya't kunot noo niyang binuksan ito.

"Bakit tumatawag si Beshie?" pagtatanong niya sa kanyang sarili bago nagpasyang tawagan ito pabalik.

Ilang minutong sinubukan ni Nicole na tawagan ang kanyang bestfriend na si Raine, ngunit hindi naman nito sinasagot ang kanyang tawag, "Hmmm... Subukan ko na lang ulit mamaya." aniya bago bumaba para tuluyan nang makapaghanda sa kanyang pagpasok sa eskwelahan.


*****

"Bye Mama! Love you!" sigaw ni Nicole nang makababa ng kanilang sasakyan.

Masayang naglakad si Nicole sa hindi niya malamang dahilan. Kahit siya mismo ay hindi niya mai-paliwanag kung bakit ganoon na lang kagaan ang kanyang pakiramdam nang gumising siya kaninang umaga.

"Siguro ito na 'yung sign na hinihingi ko, mapayapang buhay dahil nakawala na ako sa nararamdaman ko para kay Josh." nakangiti niyang sambit sa kanyang sarili bago nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Tiningnan sandali ni Nicole ang kanyang relos para makita kung anong oras na, "Hmmm... Maaga pa naman, puntahan ko muna si BFF." aniya sa hangin bago tinungo ang classroom ni Aaron.

Nakita niya na abala ito sa pagbabasa ng paborito niyang libro, kaya't nakaisip si Nicole ng kalokohan. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa likurang bahagi ni Aaron, bago tinakpan ang mga mata nito.

"Sino ka?" bulyaw nito sa pinakamababa niyang tono.

Nakangising napairap na lang si Nicole sa kawalan, dahil hanggang ngayon ay pinaninindigan pa rin ni Aaron ang kanyang pagiging "lalaki" kuno.

"Tanggalin mo nga 'yung kamay mo!" singhal pa nito bago pilit inalis ang kanyang palad na nakatabing sa mga mata nito.

Inis na hinarap naman siya ng binata at nanlaki ang mga mata nang makitang siya pala ang nang-gu-goodtime rito, "Init ng ulo natin partner ahh." nakangisi niyang sambit sa binata bago naupo sa tabi nito.

"Bff nakakainis ka naman eh, buti na lang hindi ako napatili sa ginawa mo. Kung nagkataon, mabibisto pa ako." pabulong na usal nito habang palinga-linga sa mangilan-ngilan niyang kaklase.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now