OSL Kabanata: 13

8K 326 34
                                    

Dumaan ang mga araw na naging mga linggo at nagpatuloy sa pagiging malapit sina Josh at Nicole sa isa't isa. Kahit anong pilit na ilayo ng dalaga ang kanyang sarili rito, ay siya namang patuloy sa paglapit ni Josh sa kanya.

Habang naghihintay ng jeep ay abala si Nicole sa pagtipa ng kanyang telepono, nang biglang may maramdaman s'yang matigas na bagay na tumusok sa kanyang tagiliran.

"Miss 'wag kang gagalaw, ibigay mo sa akin 'yang cellphone mo." ang baritonong boses nito ang siyang bumulaga sa katinuan ng dalaga.

"P-po?" kabadong saad ni Nicole rito.

Nang akmang haharap na ang dalaga ay maagap namang nagsalitang muli ang lalaki sabay sabing,  "Wag kang haharap kundi masasaktan ka." pananakot pa nito, dahilan para manginig ng husto ang dalaga.

"H-heto... Ito po." naluluhang sambit niya rito dala ng pinaghalong takot at kaba, kaya't nanginginig ang mga kamay na iniabot ni Nicole ang kanyang telepono sa kanyang likuran.

"Wag kang haharap ah." pananakot pa nito saka kinuha ang telepono ng dalaga.

Mariin na ipinikit na lang ni Nicole ang kanyang mga mata, dahil talagang kinakabahan na siya sa pangyayaring iyon. Hindi niya lubos maisip na sa dinami-dami ng pagkakataon ay doon pa siya natiyempuhan ng kamalasan.

Ngunit segundo lang ang lumipas nang makarinig si Nicole nang pamilyar na timbre ng halakhak, na kahit nakapikit ay kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Hahaha!"

Unti-unting idinilat ni Nicole ang kanyang mga mata at kasabay ng pagmulat niyang iyon, ay siya ring hudyat ng pagbagsakan ng kanyang mga luha dala ng matinding kaba.

Mas lalo namang naluha si Nicole, nang makita ang nakangiting mukha ni Josh sa kanyang harapan, "J-josh..." humahagulgol na turan nito bago yumakap ng sobrang higpit sa binata.

Nagulat naman si Josh sa biglang pag-iyak ng dalaga at walang sabi-sabing niyakap din niya ito ng parehong intensidad. Nakaramdam ng awa ang binata dahil kitang-kita niya ang takot sa mukha ni Nicole at hindi niya lubos akalain na ganoon na lang ang magiging reaksyon ng dalaga sa kanyang nagawang pambibiro rito.

"I-I'm sorry Nicnic, hindi ko sinasadyang takutin ka." pang-aalo ni Josh sa dalaga saka hinaplos ang buhok nito.

Mabilis namang nakatanggap ng isang malakas na hampas ang binata sa dibdib mula kay Nicole sabay sabing, "G-g*go ka! H-hindi nakakatawa 'yon!" singhal nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi saka tiningnan ng masama ang binata.

"S-sorry... Binibiro lang kita." natatawang saad naman ni Josh rito.

"Letsugas! A-akala ko t-totoong nahold-up na ako!" inis pang bulyaw ni Nicole sa binata at pilit pinaghahampas ito sa dibdib. "Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

"Nic... Nicnic sorry na, 'wag ka na magalit sa akin please." anito habang sinasalag ang mga hampas ng dalaga.

"Letsugas!"

Wala na namang nagawa pa si Josh para patahimikin ang dalaga, kaya't walang sabi-sabing sinunggaban niya ng mabilis na halik sa labi si Nicole dahilan para mapatigil ito sa kanyang ginagawa't pananalita.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now