OSL Kabanata: 21

7.5K 321 43
                                    

Hello mga labs! ❤️

Maraming Salamat sa paghihintay ng updates nitong OSL. Truly nakakataba ng puso, na kahit mabagal ang aking pag-uupdate rito, ay nandyan pa rin kayo para suportahan ito.

Isang malaking THANK YOU po, sa walang sawa niyong pagtangkilik sa Team JOSHNIC.

Happy Reading... 💋💋💋



*****



Mabilis lumipas ang mga araw na naging mga buwan, at ngayon ay abala na ang mga mag-aaral ng Fort Trinity High School para sa paghahanda ng kanilang Graduation Day.

Naka-survive naman si Nicole sa mga buwang kapiling si Dennis, naroon ang simpleng awayan ngunit hangga't maaari ay iniiwasan nilang makagawa ng ikakasama ng loob ng bawat isa.

Habang abala si Nicole sa pag-aayos ng mga dekorasyon, na gagamitin para sa Graduation Ball na gaganapin sa makalawa. Bigla siyang nakarinig ng pagtipa ng gitara sa hindi kalayuan. Mabilis napalingon ang lahat sa bukana ng gymnasium, dahil sa mga kalalakihan na isa-isang pumapasok dito na may hawak na tig-iisang pulang rosas.

Nanlaki ang mga mata ni Nicole, nang lumapit ang mga ito sa kanya't isa-isang iniabot ang mga bulaklak na kanilang hawak. Halos umabot na sa labing pitong rosas ang kanyang natanggap, na animo'y isang siyang debutante dahil sa pamamaraan ng mga ito ng pag-aabot ng nasabing bagay habang papalapit sa kanya.

Napangiti na lang ng matamis si Nicole nang biglang iniluwa sa pintuan ng gymnasium, ang kanyang kasintahang si Dennis. Gwapong-gwapo ito sa kanyang suot na puting long sleeves, na tinernuhan ng navy blue khaki pants at brown top sider.

Nakangiting lumapit ito sa dalaga, habang ang kanang kamay naman ay nakalagay sa kanyang likuran. At nang marating na nito ang kinatatayuan ng kanyang kasintahang si Nicole, ay dahan-dahang inilabas ng binata ang isang long stem white rose mula sa kanyang likuran.

Halos magningning naman ang mga mata ni Nicole, dahil sa angking kagandahan ng nasabing bagay.

"Hi hun..." ngiting bati ni Dennis bago humalik sa pisngi ng dalaga. "Happy 18th Monthsary..." magiliw na saad nito bago hinawakan ang kamay ng kanyang kasintahan.

"Awww-- Thank you, hun..." ani Nicole bago niyakap ang binata.

"Anything for my hunny bunny."

Mabilis namang tiningala ni Nicole ang binata habang nakapulupot pa rin ang mga braso rito sabay sabing, "Sweet ka na sana eh, kaya lang pinaandaran mo na naman ako ng hunny bunny mo eh." natatawang wika ng dalaga bago muling isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng kanyang kasintahan.

"Ang sweet kaya ng hunny bunny, di ba guys?" usal ni Dennis sa mga estudyanteng naroon sa loob ng gymnasium.

"Wooooohhhhh!" buyuan ng mga ito, habang ang iba ay kinikilig at may mangilan-ngilang kababaihan ang hindi natutuwa sa relasyon ng dalawa.

"Hahaha!" halakhak ni Nicole. "Magkano binayad mo sa mga 'yan ha?" aniya sa binata.

"I did not pay them, talagang nakakakilig lang kaya ako. Ikaw lang naman yung hindi kinikilig sa akin eh." may himig ng pagtatampong saad ng binata.

Mabilis namang pinisil ni Nicole ang ilong nito sabay sabing, "Oo na po! Kinikilig kaya ako sayo, hindi lang talaga ako showy pero love-love kaya kita." nakangising turan ng dalaga, habang taas-baba ang mga kilay na animo'y nang-uuto.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now