OSL Kabanata: 40

8K 279 27
                                    

Ilang araw naging balisa si Nicole dahil sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya. Una, ay ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at kung paano niya ito sasabihin sa kanyang Ina. Isama mo pa ang sakit na kanyang nararamdaman, nang matuklasang hindi pa pala handa si Josh sa responsibilidad ng pagkakaroon ng anak.

May isang parte sa kanyang isipan ang nagsasabing ipalaglag na lang kaya niya ang bata. Ngunit agad din naman niya itong iwinawaksi, dahil may takot pa rin siya sa Diyos at hindi sagot ang bagay na iyon para malutasan ang kanyang pino-problema ngayon.

Ayaw naman niyang kitilin ang buhay ng isang walang muwang na supling sa kanyang sinapupunan. At mas nanaisin pa niyang makasama ang kanyang anak at matawag na dalagang Ina, kesa sa malusutan nga niya ang problemang ito para lang matawag na dalaga.

"Anak..." tawag ni Mama Janet nang buksan nito ang pintuan ng silid ni Nicole.

Mabilis namang napaayos ng kanyang pagkakaupo sa kama ang dalaga sabay sabing, "Mama, bakit po?" mahina niyang turan dito.

"Tapos na kaming maghapunan ng mga kapatid mo, wala ka ba talagang ganang kumain?" anito bago naupo sa tabi ng kanyang anak.

Napailing lamang si Nicole, "Wala po talaga akong ganang kumain, Mama." malungkot na wika ng dalaga saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Inayos ni Mama Janet ang buhok ng kanyang anak, "May dapat ba akong malaman, Nicnic?" seryosong usal nito habang patuloy sa kanyang ginagawang pag-aayos sa dalaga.

Sandaling nag-angat ng tingin si Nicole sa kanyang Ina, iniisip kung dapat na ba niyang sabihin dito ang kanyang kalagayan. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muling napanghinaan ng loob ang dalaga na harapin ito.

"Haaayyy... Nicole, alam kong may problema ka at gusto ko na sa bibig mo mismo manggaling ito." sa puntong iyon ay mababatid na ang kawalan ng pasensya sa boses ni Mama Janet.

"W-wala po, Mama." aniya bago napayuko.

Napansin na lang ni Nicole na may biglang inilabas si Mama Janet na isang bagay sa bulsa nito na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata,

"Nakita ito ni Nico sa banyo. Sigurado akong hindi iyan galing sa akin dahil wala ang Papa niyo rito, at mas lalong hindi 'yan kay Nicky dahil bata pa ang kapatid mo. So, uulitin ko ang tanong ko. May dapat ba akong malaman, Nicolette?" makahulugang sambit nito sa dalaga.

Mabilis namang hinawakan ni Nicole ang mga kamay ng kanyang Ina sabay sabing, "Mama, I'm so s-sorry po. S-sorry po." sambit ng dalaga at napahagulgol na lang sa sobrang takot nang malaman ni Mama Janet ang kanyang kalagayan.

"Hindi ako nagkulang sa pag-papaalala sayo, Nicole. Nasasaktan ako dahil sinuway mo ang mga pangaral ko sayo, saan ba ako nagkulang para pagsinungalingan mo ako ng ganito ha bata ka?!" sa puntong iyon ay napabulyaw na si Mama Janet at nagsimula na ring tumulo ang mga luha nito.

Dagli namang niyakap ni Nicole ang kanyang Ina, "M-mama, patawarin niyo po ako. Ako po ang m-may k-kasalanan ng lahat, hindi po ako nag-isip ng mga panahong iyon. S-sorry po talaga, Mama." humahagulgol na usal ng dalaga.

Niyakap na lang ni Mama Janet ang braso ng kanyang anak sabay sabing, "Wala na tayong magagawa, Nicole. Nandyan na ang bata, ang iniisip ko lang kung anong balak ng Papa mo diyan sa kalagayan mo."

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now